MULA sa kabilang mansyon ay tuwang-tuwa ang Ina ni Callum nang tawagan niya ito at sabihin ang kaniyang desisyon sa pagiging ama. “Claresse hija, nakahanda na raw tanggapin ni Callum ang anak ninyo. Pupuntahan niya na raw kayo rito mamaya para makita na ang inyong anak, at may mahalaga rin daw siyang sasabihin sa iyo!” masayang balita ng ginang sa babaeng nabuntis ni Callum na si Claresse. Namilog naman ang mga mata ni Claresse sa tuwa. “Talaga po, Mommy?” Napatakip pa ito sa bibig na tila hindi na makapaniwala at parang maiiyak na. “Naku, salamat naman po at matatanggap na rin niya.” Napahikbi na ito, naiyak na sa labis na saya. Ngumiti naman ang ginang at lumapit, agad na yumakap dito. “May awa ang diyos, hija. Sabi ko naman sa ’yo, mabait talaga ang anak ko, ang kailangan lang natin