MALAKAS na napatikhim si Cadmus nang madaanan ang kaniyang mga empleyado na nagkukumpulan, may kung anong pinapanood sa oras ng trabaho. Nang marinig naman ng mga ito ang kaniyang pagtikhim at makita siya ay parang sing bilis ng kidlat na agad na nagsibalikan sa kanilang mga upuan at pinagpatuloy ang pagtatrabaho. “Anong pinapanood niyo sa oras ng trabaho?” tanong na niya sa mga ito habang nakakunot pa ang noo. “W-wala lang po, sir,” sagot ng isang lalaking empleyado na siyang pinagkukumpulan kanina. Lumapit na si Cadmus habang nakapamulsa pa sa suot na slacks, at huminto siya sa table ng lalaki. “Show me.” Wala nang nagawa ang lalaki kundi ilabas ang phone nito at pinakita sa kaniya kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito kanina. Isa palang video ng ilang grupo ang nagpo-protesta sa