CHAPTER 90

2052 Words

KINABUKASAN ay muli pa ring pumasok si Kristen sa ospital, pero ang dalawang bodyguard na binigay ni Cedric sa kaniya ay sinisante na niya at pinalayas. Ginulgol na lang niya ang kaniyang sarili sa trabaho at kinalimutan muna ang kinakaharap na problema. Nang sumapit ang lunchtime ay nakipagkita siya sa lawyer na inirekomenda sa kaniya ni Cadmus. Nag-usap sila ng lawyer sa isang cafe at sinabi niya agad dito ang balak niyang pakikipaghiwalay, lahat na sinabi na niya rito kung paano siya napilitang magpakasal kay Cedric, hanggang sa gusto na niyang makipaghiwalay nang malaman ang mga pinaggagawa nito. Matapos naman marinig ng lawyer ang kaniyang kuwento ay natuwa naman siya nang sabihin nito sa kaniya na madali lang ma-annul ang kasal nila ni Cedric dahil sa mga hawak niyang ebidensya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD