DALAWANG araw lang sila nanatili sa Boracay at umuwi na rin sila pabalik ng Maynila. Puno na ng kalungkutan si Kristen at matamlay na nang umuwi dahil sa kaniyang mga nasaksihan. Labis siyang nasaktan, hindi niya akalain na madudurog pa rin siya, akala pa naman niya ay naka-move on na siya kay Callum sa lumipas na buwan, pero hindi pa rin pala. Masakit pa rin sa kaniya na makita itong may kasamang iba. Hindi pa rin niya matanggap, naninibugho pa rin siya at nagagalit kahit alam niyang wala na siyang karapatan pa, dahil hiwalay na sila at magkakaanak na ito sa iba. Balik ospital ulit siya para libangin ang kaniyang sarili sa trabaho at nang sa gano'n ay makalimot muli sa sakit. “Doc, may naghahanap po pala sa inyo kahapon,” banggit ni Alie sa kaniya habang nasa loob sila ng kanilang opis