PUMASOK sa isipan ni Savannah, ang nangyari sa bar parking. At doon siya kumuha ng lakas upang magawa na itulak palayo si Levi. “Kaya ako naririto dahil sabi mo makikita ko ang mga anak ko. Where is the twins? I want to see them, six years ko silang hindi nakita at nayakap.” “Hindi ba at iniwan mo sila kaya bakit mo pa binalikan?” “Hindi ko basta iniwan lang sila kagaya ng nasa iyong isipan. Kaya sabihin mo sa akin ngayon kung nasaan sila.” “Paano kung hindi ko sabihin sayo at yong sinabi ko sa mensahe ay walang katotohanan. Nagsinungaling ako para lang pumunta ka dito ano ngayon ang gagawin mo?” Unti-unting nakaramdam ng inis si Savannah, ganun pa man ayaw niyang makipagtalo sa lalaking ito. Isa pa alam din niya na wala siyang panalo. Kaya tumalikod at mabilis na humakbang patungo s