Ep. 16

1946 Words

LUMIPAS ang maraming buwan sumapit ang araw ng panganganak ni Savannah. Kagaya ng pangako ni Senyora Aaliyah, dumating ito kasama ang Senyor Nikolai. Agad na dinala si Savannah sa pribadong ospital. Ang nais ng Senyora Aaliyah ipa-cesarean siya pero hindi pumayag ang doktor. Kaya naman daw niyang ilabas ng normal ang mga anak. Hindi mapigilan ni Savannah, tumulo na ang luha niya. May mga katanungan sa kanyang isipan na hindi niya magawang sabihin sa senyora. Isa na ang siyam na buwan niyang pagbubuntis. Bakit hindi man lang nagpakita si Sir Levi? Ganun pa man sinisikap pa rin niyang unawain ang binata. Sinabi naman nito na hindi ito makakabalik ng ilang taon. Kaya hindi na dapat siyang umaasa na darating ito. Nagpasalamat na lamang siya dahil naroon si Senyora Aaliyah at Senyor Nikolai.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD