Chapter 4

1733 Words
HALOS araw-araw pumupunta sa presento ng mga pulis si Aliya upang alamin kung may balita na sa tatay niya. Ngunit giit ng karamihan ay wala na silang magagawa. Nakauwi na kasi ang mga kasama ng tatay niya na nadakip ng mga sindikato noon. Linggo ng gabi ay nasa bayan pa rin si Aliya at pinuntahan ang ibang taong kasama ng tatay niya na nawala noon. Lahat ng mga ito ay sinabi na patay na ang tatay niya. Inabot na siya ng alas-nuwebe ng gabi sa kalye, gutom at uhaw na. Naglalakad siya sa gilid ng amusement park nang may motorsiklong huminto sa tabi niya. Si Alejandro pala. “Aliya! Go home. Nag-alala ang nanay mo,” sabi nito. Humarap naman siya kay Alejandro at sumakay sa motorsiklo nito sa bandang likuran. “Ayaw ko munang umuwi, Ale,” paos niyang sabi. “But it’s late in the evening.” “Nagugutom ako. Ilibre mo naman ako,” hirit niya. “Okay.” Napangiti siya nang dinala siya ni Alejandro sa isang restaurant. Nag-order ito ng maraming pagkain. Nalipasan na siya ng gutom kaya walang sali-salitang kumain. Ayaw rin naman ni Alejandro na may nagsasalita sa tabi nito habang kumakain. Pagkatapos kumain ay nagtungo sila sa park. Bumili pa sila ng naka-appa’ng ice cream at umupo sa duyan. Tig-isa sila ng duyan na yate sa kahoy ang upuan. “Alam mo, noong bata ako, madalas akong ipasyal dito ni Tatay. Lahat ng gusto kong pagkain binibili niya,” kuwento niya. “So, you’re a Papa’s girl,” ani Alejandro. “Uhu! Mas gusto kong kasama si Tatay kaysa kay Nanay.” “I got it why you are willing to do anything to find your father.” “Ikaw ba, Ale, bakit ayaw mo sa tatay mo?” Bahagyang yumuko si Alejandro. Ubos na ang kinakain nitong ice scream. “My father has never been good to kids. He has a different world.” “Ano? Hindi ko maintindihan.” Mayamaya ay biglang tumayo si Alejandro. Umakyat ito sa itaas ng slide. Natawa siya nang magpadulas ito. Nang maubos ang ice cream niya ay sinundan niya ito. Nagpadulas din siya. “I never did this since I was a kid,” ani Alejandro, bago muling nagpadulas. Napalis naman ang ngiti ni Aliya. “Hindi ka pinaglaro ng daddy mo sa playground?” usisa niya. Tumayo sa harapan niya si Alejandro. Umiling ito. “I don’t even have a friend.” Ramdam niya ang lungkot sa mga mata ng binata. Hinawakan niya ang kanang kamay nito at hinila palapit sa medyo malaking bisikleta na may angkasan sa likuran. Nirentahan nila ito sa nagbabantay ng park. Si Alejandro ang nagmaneho at umangkas siya sa likuran. Muli niyang nasilayan ang ngiti nito. “We look like a kid now,” sabi nito. “Yes. You still can heal your inner child, Ale. I’m your partner, right?” “No. You’re my little sister,” pagtatama nito. Napasimangot siya. “Ayaw kita maging kuya. Gusto kitang maging boyfriend!” walang abog niyang sabi. Biglang naihinto ni Alejandro ang bisikleta sa lilim ng punung-kahoy. Bumaba na ito kaya tumayo na rin siya. Naging seryoso na ulit si Alejanro. “You’re like a sister to me, Aliya. Forget about the night when we both lost control,” sabi nito. Hinarap niya ito. “I can’t. Habang sinasabi mo ‘yan sa akin, lalo lang kitang iniibig, Ale.” “Cut that off! You’re too young to determine love, Aliya! You’re still innocent!” nanggagalaiting sabi nito. “I know! May tamang edad ba para magmahal? I’m turning twenty. I had a lot of crushes, pero hindi ganito ang naramdaman ko sa kanila. Alam ko hindi ito basta paghanga lang, Ale. I know it’s love,” emosyonal niyang giit. “You’re crazy. I can’t tolerate you, Aliya.” Hindi siya nagpatinag at nangahas na unahan ng halik sa mga labi ang binata. Inasahan na niya na pipigilan siya nito. Mahinang itinulak siya nito sa mga balikat. “Bakit ayaw mo sa akin? May nagustuhan ka bang babae sa work mo?” may hinampong tanong niya. “Nothing. I just can’t tolerate you. Love can make us vulnerable, Aliya, and I don’t like that feeling.” “You’re just scared, Ale.” “No. I have my own reason.” “Kung ano man ‘yang reason mo, wala ‘yang kuwenta!” aniya sabay bira ng talikod at rumampa palayo kay Alejandro. Sumunod din naman ito sa kaniya. Nawala rin ang hinampo niya nang yayain siya ni Alejandro sa night market. Namili siya ng mga gusto niyang damit at bag dahil si Alejandro umano ang magbabayad. Napawi ang lungkot niya lalo nang sumakay sila sa rides. Inabot tuloy sila ng alas-onse ng gabi at panay na ang tawag ng nanay niya. Sinabi na lang niya na kasama niya si Alejandro upang huwag itong mag-alala. “Let’s go home, Aliya! It’s almost twelve midnight,” sabi ni Alejandro. “Mamaya na! Magbaril muna tayo para makuha ang malaking stuffed toy na pusa at aso!” sabi niya. “Okay. I will get the stuffed toys in a few shots, sabi nito. “Weh? Yabang mo, ah!” Lumapit na sila sa shooting booth. Tag-isang baril sila ni Alejandro at nauna siyang tumira kaso ilang piraso lang ang tinamaan niya sa maliliit na target. Malaking lemon soda lang ang nakuha niyang premyo. “Kailangan maubos ang sampung palito ng posporo para makuha ang stuffed toy na aso at pusa,” sabi ng lalaki na nagbabantay ng booth. “I got it,” sabi naman ni Alejandro. Maayos ang posisyon nito at medyo malayo sa boundary. Mahaba kasi ang kamay nito. Isa-isang binaril ni Alejandro ang palito at sa dami ng nakahilira ay isa lang ang natira. Mahigit trentang palito ang napatumba nito. Namangha ang mga nanonood at napatanong kung sundalo ba si Alejandro. Napalundag naman sa tuwa si Aliya at napayakap kay Alejandro. Nakuha nila ang dalawang malaking stuffed toy. “So, can we go home now?” tanong ni Alejandro sa kanya. “Sure! I’m satisfied now!” masiglang turan niya. Lumulan na sa motorsiklo si Alejandro. Umangkas naman siya sa bandang likuran nito habang yakap ang stuffed toy na nasa iisang plastic at echo bag na puro damit at bag. Naisiksik na rin niya sa bag ang soda na premyo niya. Pinaharurot na ni Alejandro ang motorsiklo. Kung kailan naman papasok na sila sa may kanto patungo sa baranggay nila ay may itim na van na humarang sa kanila. Biglang naihinto ni Alejandro ang motorsiklo. “Bakit, Ale?” ‘takang tanong niya. “Hold on, Aliya,” anito. Napatingin siya sa anim na lalaking bumaba ng van, mga naka-itim na damit at may bonnet sa ulo. Ginupo na siya ng kaba nang maisip na baka mga kidnapper ang mga ito. “Alis na tayo, Ale!” natatarantag sabi niya. Ang problema ay may dalawa pang sasakyan na dumating at napaligiran sila. Napilitang bumaba si Alejandro at nagtanggal ng helmet sa ulo. “Ale, ano’ng gagawin mo?” kabadong tanong niya. Bumaba na rin siya ng motor. “Come with us, young master,” sabi ng isang lalaki na tumatayong leader ng grupo. Wala itong bonnet pero may salamin sa mga mata. Nawindang si Aliya sa sinabi ng lalaki. “You will fight me first, as*holes!” hamon ni Alejandro. Pumuwesto na ito upang lalaban. Sumenyas naman sa mga kasama nito ang leader ng grupo na sugurin si Alejandro. Sabayang sumugod ang anim na lalaki sa binata pero nalusutan nito at kaliwa’t kanang sumipa kaya walang nakalapit dito. Namangha si Aliya nang mapansin na mahusay sa martial arts si Alejandro. Sinturon lang ang ginamit nitong armas laban sa maraming kalaban. Ang lakas din nitong sumipa at sumuntok, halos hindi na makabangon ang mga natamaan. Nang magapos ng isang lalaki sa likuran si Alejandro ay nakialam na si Aliya. Sinipa niya sa bayag ang lalaki buhat sa likuran, saktong nakabuka ang mga hita nito. Napadaing ito at namaluktot. Pumulot din siya ng bato at ibinato sa isa pang lalaki na gumapos sa mga braso ni Alejandro. “Stop, Aliya!” sigaw ni Alejandro, pinigil pa siya. “I will help you!” giit niya. Sinipa rin niya sa bayag ang isa pang lalaki na pasugod kay Alejandro. Nang mabawasan ang kalaban ni Alejandro ay nakakilos na ito at isa-isang sinipa sa ulo ang mga lalaki. Ang iba’y hinuli nito sa mga braso at pinilipit. Lumagutok ang mga buto ng mga lalaki at napasigaw sa sakit. Napapasuntok din sa hangin si Aliya habang nanonood sa bakbakan. “Go, Ale!” cheer pa niya sa binata. Mayamaya ay may lalaking gumapos sa kaniya buhat sa likuran at tinutukan siya ng baril sa ulo. Napatili siya. “Ale!” sigaw niya. Na-distract si Alejandro at napalingon sa kaniya. “Don’t touch her!” sigaw nito. Susugod sana ito sa kanila ngunit nagapos ito ng dalawang malalaking lalaki sa mga braso, meron pa sa likod kaya hirap na itong kumilos. Nilapitan na ito ng leader, nasuntok sa sikmura at nasampal ng kamao sa pisngi. Tinadyakan din nito sa mga tuhod ang binata kaya napaluhod. “Ale!” nagpupumiglas na sigaw ni Aliya. “Don’t make it hard for us, Young Master. We’ve been chasing you for almost five years. Do you think your father will allow you to get away for so long? Sorry, but I got permission to hurt you once you fight against us,” sabi ng lalaki. “I will never get back to hell!” gigil na sagot ni Alejandro. “Okay. I think this woman was special to you. In exchange for her life, you need to surrender and go back to Italy.” “No! Let her go! She has nothing to do with me!” ani Alejandro. “Really? What if I will kill her now?” Napakislot si Aliya nang itutok ng leader na lalaki ang dulo ng baril nito sa noo niya. Nangatal ang mga tuhod niya sa takot ngunit nakatitig lamang siya kay Alejandro. “A-Ale,” nautal niyang sambit. Nanikip na ang dibdib niya nang maisip na sasama si Alejandro sa mga lalaki. “Let her go. I will go with you,” pagkuwan ay sabi ni Alejandro. “Ale! No!” pigil niya naman. Lalong nanikip ang kaniyang dibdib at hindi naawat ang pagluha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD