Inalalayan niya akong bumaba mula sa sasakyan niya. Ilang linggo na rin kaming walang driver dahil mas gusto niya na kaming dalawa lang. "Pareho tayo ng oras ng dismissal ngayon, 'di ba? I will see you later, then?" tanong niya habang hawak niya ang kanang kamay ko at hawak niya naman sa isa pang kamay ang mga libro ko. "Yes," ngiti ko. "Ice cream tayo mamaya, please?" sabi ko pa. "Sure thing. Anything you wat" ngumiti siya sa akin at umakbay. "Hatid na kita sa building mo." "Ma-le-late ka na, eh. Kaya ko na 'to," sabi ko naman at kinuha ko na ang mga libro kong hawak niya. "Okay lang naman," pamimilit niya pero tumanggi lang ako. "Mauna ka na. I can manage," I assured him. "You sure?" "Yes," sagot ko at hinalikan niya naman ang noo ko bago siya nagpaalam. "Okay, I will see you la