Matapos niyang makatanggap ng mga text messages kay Rico nagmamadali na siyang lumabas ng mall para makauwi na. Mukhang nasa paligid lang kasi si Rico at minamanmanan siya. Matagal na siyang walang naririnig kay Rico, kaya buong akala niya naka move on na ito at tanggap na nito na wala na sila. Kaya naman hindi na siya nag-isip pa ng kung anong pwedeng gawin ni Rico sa kanya. Alam din naman kasi niyang hindi masamang tao si Rico. Hinihingal pa nga siya nang makasakay sa kotse. Agad niyang ni lock ang pintuan ng kotse at inikot ang mga mata sa paligid. Hinahanap niya si Rico sa labas pero wala naman ito. Napapitlag pa siya nang mag vibrate ang cellphone niya. Akala pa niya si Rico ang tumatawag. Nakahinga siya ng maluwag nang pangalan ni Garreth ang nabasa niya. "Garreth," sagot niya s

