"Bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag ko?" Simangot na tanong niya. Dalawang beses na kasi niyang sinubukang tawagan si Garreth para sana ipagmayabang ang naluto niyang dinner para sa kanila, pero hindi ito sumasagot. "Busy pa siguro,' sabi na lang niya sa sarili at naupo na muna sa sala. Oras na rin kasi at tiyak na pauwi na si Garreth. Nakahanda na nga rin ang mesa nila, nag ahin na siya para pagdating nito kakain na lang sila. Nag effort siya sa pagluluto. Kahit papano marami naman siyang alam iluto, naturuan naman kasi siya ng Mommy niya sa mga gawain sa kusina, kaya naman, kayang-kaya na niyang mag alaga ng asawa. Sadyang si Garreth na lang talaga ang hinihintay niya. Habang nasa sala nagtiyaga na muna siyang tignan sa social media ang eleganteng birthday party ni Mr. Giovanni

