Matapos nilang makapamili ng mga kailangan niya na more on swimwear, dahil mag swi-swimming daw sila ni Garreth doon sa magadang dagat na nakapalibot sa bahay nito. Nagyaya namang kumain si Garreth sa isang karinderiya na maraming taong kumakain, karamihan pa ay mga turista. "Dito ang masarap na pagkain, kaya maraming tao," sabi sa kanya ni Garreth at hinila pa nito ang kamay niya. Pansin nga niyang kanina pa nakahawak si Garreth sa kamay niya, hindi lang basta hawak kundi mahigpit na hawak na para bang tatakas siya, kahit hindi naman. "Mukha nga. Ang daming tao eh,' tugon naman niya. Ang dami kasing mga puting nasa loob at papasok pa ang iba. Buti naman at malaki ang karinderia kaya kakasya naman ang lahat, isama pang presko siya dahil nasa tabing kalsada. Hindi nga niya ma imagine na k