"Garreth aalis ka na?" Gulat na tanong sa kanya ni Annika nang makasalubong niya ito sa hagdan. "Yes," malamig niyang tugon. "Bakit hindi mo sinuot ang inihanda kong suit para sa iyo?" Tanong nito sa kanya. "I don't like the color," tugon niya at nagtuloy sa pagbaba. "Garreth, wait!" Pigil sa kanya ni Annika. Sinulyapan lang niya ito at nagtuloy pa rin sa pagbaba. "Garreth!' Tawag nito sa kanya. Napansin niya ang pagtaas ng boses nito. Huminto siya at nilingon nito. "We need to talk,' mariin nitong sabi sa kanya. "Negative," he said at sinulyapan ang relo sa palapulsuan. "May usapan na kami ni Gian na maagang magkikita ngayon. Pagbalik ko doon tayo mag-usap," tugon niya rito. "Hindi ka man lang ba mag-aalmusal? Naghanda ako,' sabi nito. "No, like what I just said. May usapan na k

