Matagal bago nakasagot sa kanya si Garreth, nanatili lang itong nakatingin sa kanya, tila nagdadalawang isip pa kung aamin ito o magsisinungaling sa kanya. "Sasabihin mo ba ang totoo o ako ang magsasabi?" Hamon niya rito. "Annika,' tawag nito sa kanya at naupo sa katapat niyang upuan. Humugot pa ito ng malalim na paghinga, saka mariing pinikit ang mga mata nito. Hindi naman niya inalis ang kanyang mga mata rito. "Nag-usap ba kayo ni Grey?" Garreth asked her. Iniling niya ang ulo. "Hindi si Grey ang nagsabi sa akin,' she said. "Sino?" Tanong nito. "Sabihin mo muna kung ano ang ginawa mo kagabi at bakit kailangan mo pang magsinungaling sa akin?' Tanong niya. "Annika," tawag muli nito sa kanya sa kalmadong tono. "Makikinig ako,'she said at pinagsalikop ang mga kamay sa may dibdib niy

