Point of view - Prince Chester Alimond - Tulad ng sinabi ni Patty, sumunod ako sa kanya dahil nais kong malaman kung ano ang ibig niyang sabihin. Totoong naguguluhan ako sa sinabi ni Mikay, ngunit mayroon pa ba akong dapat malaman tungkol sa kanya? "Get in," ma-otoridad na wika ni Patty habang hawak ang pinto ng kanyang kotse. Kasalukuyan kaming nasa parking lot ng school, alam naming hindi kami pwedeng magtungo rito dahil off limits ito sa mga estudyante, ngunit dahil si Patty ang isa sa mayayaman sa unibersidad, madali lang siyang nakapupunta sa kahit saan niya nais. Nilagay ko ang aking kamay sa bulsa, saka nagsimulang lumakad patungo sa kinaroroonan ni Patty at tuluyang pumasok sa kanyang kotse. Sa aking pagsakay, nagtungo naman si Patty sa drivers seat at doon umupo. "Bakit ka

