Point of view - Mikaela Sandoval - "Closer po," wika ng photographer na kumukuha sa amin ng litrato ngayon. Nilapit ko naman ang aking ulo kay Prince, sinandal ko pa ito sa naka-akbay niyang kamay sa aking balikat. "Okay, good!" muling sigaw ng photographer, saka nag-flash ang kanyang camera. Isa, dalawa, at marami pang shot ang kaniyang ginawa. "Ahm, Ms. Mikay, Sir Prince. Pwede ba kayong umakto as couple?" tanong sa amin ng photographer. "S-Sige," tugon namin. Nagsimulang humarap sa akin si Prince at tumingin nang diretso sa aking mga mata. Seryoso naman akong nakipagtitigan sa kanya at marahang nilapit ang aking mukha sa kanyang mukha, dahilan upang mabakas ang gulat kay Prince. Hindi pa ako rito nakontento, dahil mas nilapit ko pa ang aking mukha na animoy ilalapat ang aking l