Point of view - Mikaela Sandoval - Mabilis na lumipas ang araw. Mabilis na kumalat sa media ang mga bagay na natuklasan ng aking ina. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ng mommy ni Patty ang bagay na iyon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit may mga ganitong isip ng tao sa mundo, na gagawin ang lahat para sa pera, kahit na ang kapalit ay buhay ng tao. Siguro nga gagawin mo ang lahat para sa mga taong mahal mo, ngunit kailangan pa ba talagang umabot ang lahat sa dahas? Kailangan pa bang may mawala upang maka-angat ka sa iba? Kailangan ba? *** Isang buntonghininga ang aking ginawa saka walang ganang pinatong ang aking ulo sa lamesa ng bench na kinaroroonan ko. Kasalukuyang vacant hour namin ngayon at hinihintay ko si Lenard dahil sabay kaming

