Chapter 11

782 Words
Point of view - Mikaela Sandoval - "Anak, let's go?" pag-aya sa akin ni mommy. Isang huling sulyap ang aking ginawa sa labas ng airport. Matagal akong nag-isip at nahirapan sa desisyong ito, ngunit nandito na ako, wala nang atrasan. Bumuntonghininga ako bago bumalik ng tingin kay mommy, saka ngumiti sa kanya. "Opo, Ma. Let's go," tugon ko. Sinimulan kong ihakbang ang aking paa sa loob ng airport. Hinatak ko ang maleta na naglalaman ng aking gamit. Mabigat ito dahil ilang taon kaming mananatili sa Europa Nang kami ay makasakay sa eroplano, sinulyapan ko pa ang bintana at kitang kita ko ang pagpatak ng basang ulan sa bintana nito. Alam kong mabigat ang desisyong ito ngunit kung ito lang ang tanging paraan upang tanggapin ako ng mundo, gagawin ko. Naramdaman ko ang mainit na palad ni mommy sa aking kamay, dahilan upang mapatingin ako sa kanya. "Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong sa akin. "Opo, Ma. Ayos lang ako, kinakabahan lang nang kaunti," tugon ko, saka muling bumalik ng tingin sa bintana. Sa Europa namin piniling magtungo ni mommy upang isagawa ang operasyon sa aking mukha. Sa isang lugar sa Zagreb, Croatia Europe – ang Poliklinika Bagatin. Siguro, doon ko na rin muna itutuloy ang aking pag-aaral, sa lugar na madali akong makapagsisimula. Dahil sa aking desisyong magparetoke, tinanggap ni mommy ang huling habilin ng aking ama. Inilipat sa pangalan ko ang mga ari-arian niya at ang dalawampung porsiyento nito ay napunta kay Patty. Hindi na rin namin inalam kung ano ang kanilang panig at opinyon dito, ngunit sigurado akong galit na galit sila sa amin. Lalo na nang ipaalam namin sa lawyer ni daddy na tinatanggap na namin ang alok nitong bumalik sa mansion, kung saan nandoon pa rin ang bagong asawa ni daddy. Kasama ang lahat ng ito sa aking plano. Kasama ang lahat ng ito sa aking paghihiganti. Sa aking muling pagbangon at pagharap sa kanila. Pinili ko ring ipabago ang aking pangalan, sabay sa pagbago ng aking mukha. Mikaela Sandoval o Mikay, ito ang bagong ako. Ang bagong babae na haharap sa mundo. Sa aming pagdating sa Europa. Wala ni isang tao ang nakakikilala sa amin, kaya mas madaling isagawa ang pagbabagong nais ko. Ang pagbabagong tatanggap sa akin. Dahil sa araw na bumalik kami sa Pilipinas, ipakikilala na ako sa media. *** Kahit gaano karami ang karayom na itinutusok sa aking katawan, hindi ko ito alintana. Wala akong ibang nais kung hindi ang gumanda. Muli akong babangon at lalaban gamit ang bago kong mukha. Isang bagong umaga, bumangon ako sa kama, dahan-dahan akong naglakad patungo sa malaking salamin dito sa loob ng aking silid at tinitigan ang buo kong katawan. Hinawakan ko ang aking mukha na hanggang ngayon ay nakabalot pa rin ng benda. Bigla akong napatingin sa pinto hindi kalayuan sa aking kinatatayuan nang bumukas ito. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi nang iniluwa niyon si mommy. Kasama niya ang isang doktor at dalawang nurse na pumasok sa loob ng aking silid. "Good morning, Mikay. How was your sleep?" "It was the best sleep I ever had, Doc," tugon ko. Lumapit sa akin si mommy at hinawakan ang aking kamay, saka ako inalalayan pabalik sa aking higaan at sabay kaming umupo sa gilid nito. Ilang saglit lang ay nakita namin ang paglapit ng doktor at pagluhod niya sa aking harapan. "Are you ready to see the result of our operation?" Marahan lamang akong tumango bilang tugon sa kaniyang sinabi, saka mariing ipinikit ang aking mga mata. Tinanggal niya ang gasa na nakapalibot sa aking mukha. Hanggang sa maramdaman ko na wala nang benda na nakabalot dito. "Look at your face in the mirror, Mikay," saad ng doctor. Dahan-dahan kong binukas ang aking mga mata at sumilay ang isang magandang mukha na nasa loob ng salamin. Dahil sa saya at halohalong emosyon ang aking nararamdaman, nagsimulang mamuo ang mga tubig sa aking mata. Maging ang pag-iyak ko ay napakaganda. "Thank you, Doc. Thank you so much!" sunod-sunod kong sabi. Sabay sa mabilis kong paghikbi at tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga luha, naramdaman ko ang pag-iyak ni mommy sa aking kalapit at ang mahigpit niyang yakap sa akin. *** Makalipas ang ilang sandali, pinayuhan ako ng doktor na muling magpahinga. Maaari na rin akong lumabas ng ospital pagkatapos ng dalawang buwan. Muli akong tumayo mula sa pagkakaupo sa aking kama. Nagtungo ako sa salamin na nasa loob ng aking silid at muling tiningnan ang maganda kong hitsura. Sino ang mag-aakala na ang dating pangit ay magiging maganda? Umangat ang gilid ng aking labi nang maalala ang mga bagay at masasakit na ginawa ng mga taong nanghamak sa akin. Ito na ang simula para sa isang Mikaela Sandoval.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD