Point of view - Mikaela Sandoval - Maaga akong pumasok sa school dahil may nag-imbita sa akin sa isang product pictorial, sa tingin ko ay isa itong cosmetic. Hindi naman ako makatanggi dahil mabait din naman ang may hawak sa cosmetics na iyon. Para hindi na rin daw hassle sa akin, sila na lang ang pumunta rito sa school, ngunit maaga nga lang ang photoshoot. Sa pagdating ko sa Belmonte University, nagdesisyon akong umidlip muna sa aming roon dahil hindi pa naman oras ng photoshoot. Ngunit kanina, isang mensahe sa aking teleponi ang nagpagising sa aking diwa, sa pagmulat ng talukap ng aking mata, natamaan ng aking paningin si Prince na nakayuko sa kanyang upuan. Nakalingon siya sa direksyon ko habang natutulog. Kunot ang aking noo nang siya ay tingnan. Bakit nga kaya ang aga niyang pum

