Chapter 18 Matapos kong ayusin ang bed, sumilip uli ako sa bintana. Baka sakaling umuwi na siya. Umaasa ako na uuwi siya ng maaga, pero wala. Bakit gano’n? Pati 'tong importanteng okasyon, kinalimutan niya. Malamang, nakay Diana na naman siya. Nakarinig ako ng mahinang pagkatok sa pintuan at ang boses ni ate Amy. "Sophia? Malamig na ang mga pagkain sa lamesa." Malumanay niyang sabi. Tumulo na ang mga luha na kanina pa gustong kumawala. I smiled bitterly. Bakit ka nga naman umaasa na maaalala at pipiliin ka niya? Nagpunas ako luha at naglakad papunta sa pinto. I opened the door and smiled bitterly at ate Amy. "Tutulungan na kitang magligpit ate. Hindi na siya darating." Malungkot kong sabi. "’Wag na. Ano ka ba? Kabuwanan mo na. Dapat nga inaalagaan ka ni Shawn." S