Chapter 14 "Shawn pwede mo ba 'kong samahan?" Mahina kong tanong at pinipigilan ang pag-utal ng boses ko. Saturday ngayon at wala siyang pasok kaya gusto ko sanang magpasama sa kanya sa check-up namin ni baby. Last check-up ko kasi kahit nandito lang siya sa bahay, tumanggi pang samahan ako. Kaya gano’n nalang ang inggit ko sa mga nakasabayan ko dahil kasama nila ang mga asawa nila at todo alalay pa. Three months na ang tiyan ko at medyo halata na rin. Gusto ko naman sanang makasama siya sa check-up namin. Tumigil naman siya sa pag-inom ng juice niya at tumingin sa 'kin. Yumuko nalang ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Hindi ko pa pala nasimulan ang breakfast ko dahil sa nerbyos sa pagsabi sa kanya nito. "Didn't I tell you to bother that bastard's father