Chapter 49 RHEA’S POV “Cedric, I need to go.” Tangka sana akong aalis sa kama at pinigilan naman ako ni Cedric. “Sandali, saan ka pupunta? Bilin ng mga doktor, na kailangan mo pa din mag pahingga, Rhea.” “Kailangan kong puntahan si Chase, Cedric. Gusto kong malaman ang kalagayan niya ngayon. Please.” Mangiyak-ngiyak kong pakiusap. Matapos ng mga nangyari, dumating na ang mga pulis at rescue team para tulungan kami. Huli ko na lang natandaan, sinakay nila ako sa ambulansiya at wala na akong balita pa tungkol kay Claire at kahit na rin kay Chase. “Gustuhin ko man na payagan ka, pero hindi pwede. Mag pahingga ka lang dito,” Anito. “Papunta na dito si Mom at Dad, nalaman na nila ang mga nangyari. Nasa kritical ngayon ang kalagayan ni Kuya Chase, at kasaluyan siyang inooperahan sa E.R.” P