CHAPTER 32 CLAIRE'S POV "C-Chase?" Nawala ako sa ulirat nang makita ang malamig na bulto ng lalaki na naka-tayo sa may pintuan. May kong anong takot at kilabot sa puso ko na masaksihan niya kami. Umalis ako sa pag kakandong kay Samuel at hinila ko ang comforter sa naka-takip sa hubo't-hubad kong katawan at lumalapit sa direksyon niya. Hindi ko ata makakaya na ihakbang ang mga paa ko sa pang-hihina ng mga tuhod ko na mahuli niya kami sa akto. Paano niya nalaman? Paano na ito? Anong gagawin ko? It doesn't matter, kong paano niya nalaman! Ang importante na lang sa akin, mag kausap kaming dalawa. Maayos namin ito. "C-Chase, please." Hahawakan ko ang pulsuhan nito, subalit kusa na siyang lumayo sa akin na diring-diri. Nanikip ang dibdib ko sa simpleng ginawa niyang pag-iwas sa akin