GUSTO ko na sanang umuwi ngayon pero ang sabi ni Mama ay isang araw pa daw para makapahinga ako. Baka daw kasi kung ano ano ang gawin ko sa condo kapag nakauwi ako. Saglit na nagpaalam si Mama ng makareceive ng tawag. May pupuntahan lang daw ito saglit sa baba. Naiwan kami ni Gabriel dito sa silid. "Kain ka pa para mabilis kang lumakas," sabi n'ya sa akin. "I miss our bed," nakanguso kong sabi sa kanya. "Our bed misses you too, babe. But you have to stay here for another day." "Pero maayos na ang pakiramdam ko. Our baby is okay too," katwiran ko sa kanya. Napangiti naman ito at hinaplos ang aking t'yan. "Can you believe we have our baby here now? Ang bilis ko ano?" tatawa tawa nitong sabi. "Pakipot ka pa kasi. Gusto mo kaagad kasal." Gustong gusto ko s'yang inaasar ngayon, hindi ko

