"BITIWAN n'yo ako! Ano ba! Let me go!" sigaw ng isang babae. Her voice sounded familiar pero gusto kong makasigurado. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Mr. Libra. S'ya ang kinuha kong tao para magmanman sa hospital. I asked Mama to hire him temporarily in the security. Noong una ay tinanong nito kung para saan dahil kumpleto naman ang team. Ang sabi ko na lang sa kanya ay para makatulong sa pangangailan nito sa pamilya. But in reality, he is my mole. His partner went on break at napansin n'ya ang isang babaeng nakapull-over ng itim. Akala n'ya noong una ay empleyado lang ito na kukuha ng sulat. Pero baligtad ang nangyari at ito pa ang naglagay ng sulat. Mabilis n'yang tinungo ang mail room na ilang metro lang ang layo mula sa security room at nang hingan n'ya ng ID ang babae dahil restr

