SUDDENLY, the air went cold at ang babaeng maputi at kumikinang sa harap ko ay lumapat ang paa sa batuhan. She was still wearing white but she looked a little less magical now without the shining part of her. "Ako si Parisa. Kumusta ka, Kristalena. . . hindi mo na ba ako natatandaan?" tanong n'ya sa akin. "H-Hindi kita kilala." Hindi ko alam ang sinasabi n'ya at habang tumatagal ang usapan namin ay lalo lang akong nanghihina sa kalagayan ng anak ko. "Kahit kaunti?" umiling ako. "Nagkita na tayo noon. . . dito rin sa ilog na ito. Naalala mo pa ba? Dito kayo madalas mamingwit ng mga abuela mo noon. Nagbago man ang mundo, pero hindi ang tubig na dumadaloy sa ilog nito. Sa sobra mong paglalaro ay naligaw ka sa gubat at tinulungan kitang makabalik sa mismong kinauupuan mo ngayon. Naaalala

