Chapter 33 "Grabe naman ang mga kaganapan doon! Talaga bang may anak pa si Mr.Hoffman sa iba?" "Shhh ang lakas ng boses mo Heidi." Sita ni Casandra kay Heidi dahil sa naging reaksyon nito sa kanyang ikinuwento Nasa isang fast food restaurant pa naman sila ngayon at maraming tao ang kumakain roon. Ikinuwento niya kasi kay Heidi at Selena ang mga nangyari sa Canada. "Oo teenager pa yung bata eh. Kahawig nga ni Kenjie" "That's why trending nanaman sa twitter ang mga hoffman." Sabi naman ni Selena habang kumakain ito ng french fries. Habang tumatagal nagiging jologs na rin si Selena dahil kakabarkada nito sakanilang dalawa ni Heidi. "Pero sis bonga yang balat mo ngayon lalong kuminis sa canada! Sayang naman di mo kami sinama ni Selena para naman nakakita na rin ako ng snow--" "Bruha