Chapter 7

1883 Words
Chapter 7 Kenjie Hoffman : Malapit na kami Nataranta si Casandra sa pag wiwisik ng pabango at muntik niya pa iyong mabitawan ng mabasa niya ang chat message ni Kenjie. Kay mame dondey pa naman ang perfume na iyon at panigurado pagagalitan siya nito kung sakaling nabasag niya iyon "Jusko kalerky nakakatense naman kasi itech!" Muli niyang winisikan ng perfume ang kanyang leeg bago niya iyon sinauli sa lagayan nito Gustong gusto niya kasi ang pabango na iyon dahil mild lang sa pang amoy at hindi masakit sa ilong. Kumbaga amoy fresh lamang siya. Hinayaan niya ang kanyang rebonded na buhok na nakalugay. Napili niyang suotin ang kanyang simpleng deep V-Neck mini party black dress long sleeve with sequin glitter. Her dress is nice and stretchy. Bagay na bagay iyon sa yatch date nila ni Kenjie Hoffman. Hapit na hapit sa kurba ng kanyang katawan. Hangang ibabaw ng tuhod niya lang ang haba nito. "Bongeycouis! Pak na pak naman ang anak ko!" Napalingon tuloy siya kay mame dora ng sumilip ito sa kwarto niya "Tenkyu mame" Nag pacute pa siya lalo at nagpose pose na para bang model sa harap ng mame dora niya Napapalakpak pa ito sa tuwa habang nakatingin sakanya. As usual gandang ganda sakanya ang kanyang mame dora. "Bongang-bonga anak! Ang pretty mo and so sexy!" "Tenkyu ulit mame. Siyempre kanino pa ba akesh magmamana?" "Ofcourse saakin dehinds kay mame dondey!" Natawa sila ng sabay dahil nasa likod lang nito si mame dondey "Kaloka ka. Sakin nagmana ang junakis natin no. Diba anak?" Singit naman ni mame dondey "Sainyo pong dalawey. Kayo ang pinagmanahan ng beauty ko!" Niyakap siya ng dalawang mame niya "Inubos mo nanaman ang perfume kech anak ha?" Biro ng mame dondey niya sakanya kaya naman napahagikgik siya "Sowee mame. Ang bango kasi eh" "Charot lang. Gusto mo dalhin mo pa sa date niyo anak" "Ay sige mame! Tenkyu" Kinuha agad niya ang perfume nito at ipinasok niya iyon sa maliit niyang maleta "Mame dora may naghahanap po kay cassy! Nasa baba po ang popogi!" Sabay sabay silang napalingon sa salon staff nila. Si ate rina. Baklush din ito at matagal na nilang kasama sa bahay. Inampon lang ito ng mga mame niya at dati itong pakalat kalat lamang sa kalsada. Sinasahuran ito ng mga mame niya at tanging ginagawa lang nito ay mag ligpit sa salon nila. Minsan winawalis lang nito ang mga buhok na nagupit nila mame dora. "Oh em gee! Nandiyan na si pogi!" Sabay pang tili ng mga mame niya. Nag unahan pang bumaba sa salon ang mga ito. Sa second floor kasi ang bahay nila at ang first floor naman ay ang kanilang salon Huminga muna siya ng saglit bago niya binuhat ang kanyang maliit na maleta. Pinahiram lang sakanya ni mame dora ang bag na iyon. Mabuti nga at pinayagan siya ng mga ito mag overnight kasama ang kanyang jowa Habang pababa siya ng hagdanan naririnig niya ang mga mame niya na kanya kanyang nagpapakilala kay kenjie. "Hilaloo! Ako nga pala ang mame ng jowabells mo. I'm your mame dora" Pakilala ni mame dora kay Kenjie "Hello po" Magalang na sagot ni Kenjie habang nakangiti ito. Mukhang natutuwa naman ito sa kakulitan ng mga mame niya "Akesh naman si mame dondey. Call me mame dons for short" Sinabunutan ito ng pasimple ni mame dora "Charot. Mame dondey lang pala" "Hello po. Nice meeting you" Sagot muli ni Kenjie sa mga mame niya bago nakipag kamay pa ito "Sino siya? Ang pogi rin ha?" Tanong ni mame dondey sa katabing lalake ni Kenjie "He's Harold. Bestfriend ko po" Kanya kanyang pakilala rin ang mga ito sa bestfriend ni Kenjie. Mukhang mabait rin si Harold dahil nakangiti rin ito at magalang din na nakipag kamay pa sa mga mame niya Napatingin naman si Kenjie sakanya ng maramdaman nito ang presensya niya. Nakatayo kasi siya sa hagdanan habang pinapanuod niya ang mga itong mag pakilala sa isat-isa Saglit itong napatingin sa kanyang itsura. Marahil nanibago ito ng kaunti dahil nag ayos siya ngayon ng kanyang sarili. "Jowa" Ani Kenjie habang nakangiti ito Napangiti din siya dahil nakakahawa ang magandang ngiti nito Lumapit agad ito sakanya upang tulungan siyang buhatin ang kanyang maliit na maleta "Ayos lang hindi naman mabigat--" Ngunit binuhat parin nito ang maleta niya at inalalayan pa siya nito pababa ng hagdanan Nakatingin naman si Harold sa kanilang dalawa ni Kenjie. "Ayieeee. Ang sweet naman ng magjowa" Tukso ni mame dora sakanilang dalawa ni Kenjie. Namula tuloy ang kanyang pisngi. Ayaw man niyang kiligin nguit nadadala siya ng pagpapakita ng kalambingan ni Kenjie. Marahil nagsisimula na itong magpangap sa harapan ni Harold na may relasyon talaga sila Ngumiti si Kenjie sakanya "Saan ang party?" Pilyong biro ni kenjie sakanya ng pagmasdan nito ang dress niya kaya naman nahampas niya tuloy ng pabiro ang braso nito "Kalerky ka. Sabi mo may date tayo eh" Natatawa parin sila ni Kenjie dahil sa simpleng pang aasar nito sa suot niya. "Let's go guys" Nakangiting pag yaya ni Harold sakanilang dalawa ni Kenjie Samantalang kilig na kilig naman ang dalawang mame niya sa gilid pati na rin si ate rina. Hindi niya inaasahan na hahawakan ni Kenjie ang kanyang kamay. Marahang pinisil pa nito ang kamay niya. "Let's go jowa" Nakangiting aya nito sakanya She can feel her heart pounding. Ngayon pala nadadala na siya sa munting pagpapangap nila. "S-Sige" Ginawa niya ang lahat upang makalakad parin ng maayos kahit nanghihina na ang tuhod niya "Sana all" Sabi ni ate rina sa gilid kaya nagtawanan pa ang mga ito. "Bye anak. Ingats kayo" Nakipag beso beso muna siya sa mga mame niya at kay ate rina bago sila tuluyang lumabas. Maayos rin nagpaalam ang dalawang pogi sa mga mame niya. Mayroon isang red ferrari 812 sports car ang nasa tapat ng salon nila. Pinagbuksan pa siya ni Kenjie ng pinto ng kotse. Sa likod siya pina-upo nito. "Tenkyu jowa" Pasasalamat niya kay Kenjie ng pagbuksan siya nito ng pintuan. Kinindatan pa siya nito bago maingat na isinara ang pinto ng kotse kaya dumoble tuloy ang kilig na kanyang nararamdaman Napatingin siya sa harapan may babaeng nakaupo doon sa tabi ni Harold. "Why ang tagal niyo babe?" Tanong ng babae kay Harold pagkasakay ni Harold ng kotse "Sorry babe." Hinalikan ni Harold ang ulo ng babae. Pumasok na rin si Kenjie sa kabilang pintuan at tumabi ito sakanya sa likod ng kotse Napatingin ang babae sakanya. "She's your new gf Kenj?" Tanong ng babae "Yes. She's Casandra" "Yeah i know same name sila ni Cassy" Maarteng sabi nito. Halatang galing ito sa mayamang pamilya ayon na rin sa english accent nito na parang lumaki talaga sa ibang bansa Nailang tuloy siya. Ngunit mas nailang siya ng hawakan muli ni Kenjie ang kanyang kamay. Napatingin tuloy siya sa gwapong mukha nito "She's Selena harol's jowa" Pakilala ni Kenjie sa babae "What's jowa?" Kunot nuong tanong ni Selena Tumawa lang si kenjie at pasimple pa nitong pinisil ang kanyang palad Napalunok nalang tuloy siya. Pinilit niyang huwag magpatangay sa kalambingan ni Kenjie dahil isang kontrata lamang ang dahilan kung bakit ito ganoon kalambing sakanya "Babe jowa mean girlfriend" Sagot nalang ni Harold bago nito pinaandar ang kotse nito Napansin niyang habang nasa biyahe sila pasimple silang kinuhaan ng picture ni Selena habang magkahawak parin ang kanilang kamay Napansin rin iyon ni Kenjie . Naiilang man siya sa pagkakahawak nito sa kamay niya ay nag uumapaw naman ang kaligayahan sa puso niya. Dahan dahan niyang napisil ang kamay ni Kenjie ng hindi sinasadya kaya napatingin ito sakanya. Nanlaki tuloy ang kanyang mata masyado ata siyang nadadala sa pagkakaholding hands nila Umusog si Kenjie sa tabi niya upang mas maging magkadikit ang kanilang katawan. Inakbayan siya nito "Matulog ka muna jowa isang oras pa yung biyahe." Bulong ni Kenjie sakanya at inalalayan pa nito ang kanyang ulo ihiga sa pabalikat nito. Napakagat labi siya sa sobrang kilig. Oh my gosh akala ko ba bawal haplusan na magaganap o yakapan? Anu itech kenjie? Omy Kalerky! Tili niya sa loob ng kanyang utak Napatingin naman si Selena sakanilang dalawa ni Kenjie. Napakunot pa ang nuo nito "Kailan ka pa naging sweet Kenj?" Maarteng tanong nito kay Kenjie Ngiti lang ang sinagot ni Kenjie kay Selena. "Love is in the air woo" Pang aasar naman ni Harold sakanilang dalawa How she wish na totoo nga sanang magkarelasyon sila ngunit alam niyang nagpapangap lang silang pareho. Ngumiti nalang siya upang hindi mahalata ng mga ito na may bahagi ng kanyang puso ang nalulungkot Grr bahala na nga si batman! Enjoyin ko nalang! Dahan dahan niyang niyakap si Kenjie habang nakahiga ang kanyang ulo sa balikat nito. Tinignan niya ito kung anong reaksyon nito sa ginawa niya. Nakatingin lang ito sakanya habang hinahayaan siyang yakapin ito Oh diba pwede palang yakapan eh hihi Tumingin siya kay Selena at Harold hindi na nakatingin ang mga ito sakanila ngunit mas humigpit ata ang pagkaka-akbay ni Kenjie sakanya? O ambisyosa lamang siya Napalunok siya ng maramdaman niyang hinalikan ni Kenjie ang kanyang ulo Napatingin siya dito ngunit nagpikit-pikitan na ito. Nais niyang tumili sa sobrang kilig ngunit hindi naman pwede kaya nakontento na siya sa pag kagat ng kanyang labi at pangiti-ngiti habang sarap na sarap siya sa posisyon nilang dalawa ngayon. Hindi naman siya nakatulog buong biyahe dahil sinulit talaga niya ang pakikipag yakapan kay Kenjie dahil minsan lang mangyare ang ganoon "We're here" Anunsyo ni Harold ng makarating na sila malapit sa tabing dagat. Tanaw na tanaw na nila ang dagat habang ang isang malaking kulay puting yatch ang naghihintay para sakanila Doon pala siya umayos ng upo. Seryoso naman ang tingin ni Kenjie sakanya kaya kinabahan tuloy siya. Baka nasobrahan ang pag enjoy niya sa pagyayakapan nila? Naku po baka pagalitan siya nito mamaya? Bumaba si Harold ng kotse nito at pinagbuksan si Selena ng pinto. Akmang lalabas na rin siya ngunit pinigilan ni Kenjie ang kanyang kamay na magbukas ng pinto. "Wait for me.." Bulong nito sakanyang tenga. Seryoso parin ang gwapo nitong mukha kaya kinakabahan siya Bumaba ito ng kotse at pinag buksan siya ng pinto. Inalalayan pa nito ang bumbunan niya upang hindi siya mauntog sa pinto ng kotse Napakasarap pala nitong maging jowa dahil napakalambing nito. "T-Tenkyu" Nahihiyang pasasalamat niya kay Kenjie Ngumiti lang ito ng kaunti bago nito hinawakan muli ang kanyang kamay. "Bilisan niyo na lovebirds!" Sigaw ni Harold sakanila ni Kenjie dahil malapit na ang mga ito sa yatch Magkahawak kamay silang dalawa ni Kenjie na sumunod kila Harold at Selena "Kailan pa naging sweet ng ganyan ang kaibigan mo?" Nakakunot nuong tanong ni Selena kay Harold habang nakatingin ang mga ito sakanilang dalawa ni Kenjie "Ngayon nga lang eh" Nakangiting sagot ni Harold "Sabagay sweet rin naman ata sila ni Cassy before." "I wish makalimutan na ng bestfriend ko yang lokaloka kong kapatid tsk.. May saltik sa ulo yang si cassy kahit kapatid ko siya" "Whatever." Pinicturan ni Selena sila Kenjie at Casandra sa di kalayuan "What are you doing?" Tanong ni Harold "I will send this to cassy." Panay ang picture nito sa magjowa "Huwag na babe. Tara na" Inakbayan ni Harold si Selena at pumasok na ang mga ito sa loob ng yatch na pagmamay-ari ni Kenjie. Sinend naman ni Selena lahat ng pictures kay Cassy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD