Chapter 23 Hawak hawak ni Casandra ang isang boquet ng red roses habang nakasakay siya sa elevator ng opisina ni Kenjie Hoffman. Isang linggo simula ng magkita sila sa isla ng palawan ay nagpalakas muna siya ng katawan bago niya ito puntahan. Masaya siya sa ibinabalita ni Selena sakanya na bumalik na si Kenjie sa dating buhay nito at pinamamahalaan na nitong muli ang business nito. Hinaplos niya ang kanyang tiyan para bigyan siya ng swerte ng kanyang anak. Sana ay masuyo na niya ang supladong puso ni Kenjie Masaya siya dahil madali siyang nakapasok sa building ng opisina nito. Ang receptionist kasi na nag asikaso sakanya ay ang dating receptionist na nakilala niya rin dito sa opisina ni Kenjie. Nagpaganda talaga siya ngayong araw na ito dahil gusto niyang manumbalik ang atraksyon saka