Chapter 17
"Mang nez saan ho ba tayo pupunta?"
"Malalaman mo rin mamaya ma'am" Sagot ni mang nestor habang nagmamaneho ito
"Kalerky" Mahinang sabi niya
"Nakakamiss ka talaga ma'am. Lalo na pag nagsasalita ka ng kalerky. Kaya miss na miss kana ni Sir eh" Napapangiti si mang nestor at para bang ang saya saya nito
Malungkot siyang ngumiti
"Paano naman ako mamimis nung lokong yun eh nagkabalikan na sila ng asawa niya"
"Hindi naman sila nagkabalikan ng totoo ma'am. Para lang ho sa bata kaya tinitiis ni Sir si ma'am cassy sa condo niya"
Parang may kumurot ng kanyang puso dahil sa sinabi ni mang nestor. Ibig sabihin nagsasama na pala muli ang mga ito? Kahit alam niyang possibleng magkasama na ang mga ito sa condo ni Kenjie ay umaasa parin siyang sana ay hindi. Ngunit ngayon nakompirma na talaga niyang nagsasama na pala talaga ang mga ito
"Oh ma'am bakit nalungkot ka lalo?" Napansin ni mang nestor ang kalungkutan bumalot sa kanya
"W-Waley po"
"Nagselos ka naman ma'am? Tatlong gabi na ho sa bar ng kapatid niya natutulog si Sir Kenjie nagsusunog ng baga. Sa tingin ko ho iniiwasan niya si ma'am Cassy"
Napatingin siya kay mang nestor
"B-Bakit naman niya iiwasan? Nagbayad pa nga siya sakin ng 1Million pesos para balikan lang siya ng asawa niya"
"Basta ma'am. May milagro hong nangyari eh" Todo ngiti pa si mang nestor
Napabuntong hininga siya. Di niya maintindihan si Kenjie.
"Ang tagal kong hinintay na magbago si Sir. Namuti na ang buhok ko at napapanot na rin ako. Mukhang eto na ho ang panahon na nakatagpo na si Sir ng magpapatino sakanya"
Hindi niya narinig ang sinasabi ni mang nestor dahil nasa malayo ang pag iisip niya. Pumayag kasi siyang makipagkita kay Kenjie ngayon dahil bibigyan na niya ng tuldok ang kanilang relasyon kung naging relasyon man iyon.
Mahal na mahal na niya ito ngunit hindi naman siya masamang tao upang sumira ng pamilya para lamang sumaya siya.
Kaya niya itong layuan alang-alang sa magiging anak nito.
"Narito na ho tayo ma'am.."
Napatingin si Casandra sa lumang bahay na hinintuan nila.
"K-Kaninong bahay itech mang nez?"
"Hindi ko rin ho alam ma'am. Nariyan si Sir Kenjie at hinihintay kana po niya sa loob. Tumakas lang si Sir kay ma'am cassy para sayo" Tinutukso pa siya ni mang nestor
Napabuntong hininga siya bago bumaba ng kotse. Sa totoo lang nasasabik rin siyang makita muli si Kenjie ngunit may bahagi ng kanyang puso ang natatakot makasira ng isang pamilya lalo na at sinabihan na siya ng kanyang mga mame kaninang umaga bago siya sumama kay mang nestor katakot-takot na sermon ang inalmusal niya mula sa mga mame niya
Flashback
"Mame mahal ko po si Kenjie--"
"Anak alam ko. Pero anak ang pagmamahal minsan kailangan rin isantabi kung makakasira ka ng pamilya. Masarap magmahal kung alam mong wala kayong natatapakang tao."
"Oo nga anak. Magiging masaya ka ba kung yung asawa niya iiwanan niya para lang sayo? Hindi kayo pwede anak. Pinagtagpo pero di tinadhana--"
"Mame kanta naman po yun"
Kinurot tuloy ni mame dondey si mame dora dahil panay kalokohan talaga ito
"Anak totoo naman ang sinasabi ni mame dora mo. Di niya lang mapaliwanag ng maayos anak. Pinagtagpo lang kayo para matuto kang magpaubaya"
"Mga tita idol niyo ba si moira" Hindi makatiis na singit ni Ate rina habang nagwawalis ito ng mga buhok sa sahig ng salon nila
"Che" Sabay pang sita ng mga mame niya kay ate rina. Nag peace sign lang si ate rina.
"Anak seryoso kaming mga nanay mo. Hindi namin kokonsintihin ang pagiging kabit mo"
Napalunok siya sa salitang ginamit ni mame dora.
Kabit...
Ngayon lang niya naisip na magiging isang kabit na nga siya ngayon dahil nagkabalikan na ang mga ito.
Kung sakaling itutuloy parin nila ni Kenjie ang kanilang relasyon ay magiging kabit na siya nito.
Noon di niya iyon nararamdaman dahil single naman si Kenjie at hiwalay na ito sa asawa nito. Ngunit ngayon nagkabalikan na ang mag asawa kaya sumakatuwid isa na siyang kabit kapag pumayag parin siya sa kanilang relasyon
"Ma'am Casandra tara na ho naghihintay na si Sir Kenjie--"
"Che!" sabay na sita ng mga mame niya kay mang nestor ng sumilip ito sa loob ng salon nila.
Napangiwi tuloy si mang nestor at napakamot sa tuktok nito
"Mame mabait ho yan si mang nestor. Relax lang ho kayo--"
"Hindi sasama sainyo ang junakis namin! Sabihin mo yan sa boss mong pogi!" Mataray na sabi ni mame dora kay mang nestor
"Mame--"
"Oo nga hindi kami papayag na maging kabit ang anak namin!"
"Mga mame relax! Makikipagkita lang ako kay Kenjie para-para-para" Hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin dahil napakahirap tangapin na tutuldukan na niya ang kanilang relasyon
"Para sa pechay mo?" Singit ni ate rina ngunit napatakip agad ito sa bibig nito ng tignan ito ng masama ng dalawang mataray na mame niya
Nag peace sign muli si ate rina at pakendeng kendeng itong lumakad paakyat sa bahay nila
"Mga mame kakausapin ko lang si Kenjie para maging malinaw na ang lahat"
Tila nag isip naman ang dalawang mame niya
"Duda ako diyan sa malinaw na usapan na yan.. Baka ibang pag-uusap ang gawin niyo eh!"
Namula tuloy ang kanyang pisngi. Ngunit pinayagan rin siya ng mga ito na sumama kay mang nestor
End of flashback
"Ma'am kanina pa nakatingin si Sir sayo sa bintana oh?"
Napatingala rin tuloy siya sa tinitignan ni mang nestor.
Anong ginagawa ni Kenjie sa balkonahe? Katabi pa nito ang isa nitong kapatid na may mga hawak na gitara?
"Nako dinamay pa talaga si Sir Ram" Napapangiting sabi ni mang nestor habang nakatingin ito sa magkapatid na gwapo
Ngumiti si Kenjie sakanya ng napakagandang ngiti bago ito magsimulang kumanta.
(Please play the background music)
Maganda pala ang boses nito.
"Itanong mo sa akin kung sino aking mahal..." Simula ni Kenjie habang nag gigitara ang dalawang magkapatid
Unang lyrics palang ng kanta nito ay parang tumalon na ang kanyang puso.
"Itanong mo sa akin, Sagot ko'y di magtatagal"
Titig na titig si Kenjie sakanya na para bang kinakausap siya nito sa paraan ng pagkanta nito
"Ikaw lang ang aking mahal.. "
Napatakip siya sa kanyang bibig dahil unti unti na siyang napapa-iyak. Nanginginig rin ang kanyang tuhod. Naiiyak siya sa kaligayahan. Kay tagal niyang pinagdasal na sana mahalin rin siya ni Kenjie. Sana balang araw sabihin nito sakanyang mahal rin siya nito. Ngunit ngayon dinaan pa talaga nito sa simpleng pagkanta ang nararamdaman nito para sakanya.
"Ang pag ibig mo'y aking kailangan. Pag ibig na walang hanganan, Ang aking tunay na narararamdamaaaan..."
Napapangiti pa ito habang taos puso itong kumakanta. Habang second voice naman ang kapatid nitong si Ram na para bang experto sa pag gigitara.
"Isa lang ang damdamin. Ikaw ang aking mahal. Maniwala ka sana, Sakin ay walang iba"
"Ma'am naiiyak rin ako" Napapunas pa sa mga mata nito si mang nestor dahil natutuwa itong nagmamahal na ang anak anakan nitong si Kenjie.
Lalo tuloy siyang napaiyak dahil umiiyak si mang nestor sa kanyang tabi.
Napapangiti naman si Kenjie at Ram habang kumakanta ang mga ito
"Ikaw lang ang aking mahal, Ang pag ibig moy aking kailangan. Pag ibig na walang hanganan, Ang aking tunay na narararamdaman"
Mukhang enjoy na enjoy si Kenjie at Ram sa pagtugtog ng gitara.
"Ang nais ko sanay iyong malaman, Sa hilaga o sa timog o kanluran. At kahit saan pa man, Ang laging isisigaw, IKAW ANG AKING MAHAL" Nilakasan talaga ni Kenjie ang pagkakakanta nito ng huling lyrics nito upang maging malinaw sakanya kung anong ipinaparating ni Kenjie sakanya
Hangang sa natapos ang kanta ng magkapatid. Pumalakpak pa si Mang nestor habang umiiyak parin silang dalawa.
Masayang masaya ang puso niya ngunit may bahagi parin ng kanyang puso ang nalulungkot dahil alam niyang mali ang pagmamahalan nilang dalawa ni Kenjie dahil may asawa na ito.
"Hi Jowa. Mahal na kita. Ikaw lang ang mahal ko" Tumalon sa balkonahe si Kenjie. Mababaw lang naman ang balkonahe kaya kayang kaya nitong talunin iyon.
Lumapit si Kenjie sakanya at hinaplos nito ang kanyang mukha
"I missed you.."
Hindi pa siya nakakapagsalita ng sakupin agad ni Kenjie ng halik nito ang kanyang labi. Para bang sa paraan ng paghalik nito sakanya ay pinaparamdam nito sakanya kung gaano ito nangulila sakanya sa loob ng tatlong araw na pagkawalay nila.
Napatugon agad siya sa halik nito dahil kusang gumalaw ang kanyang katawan. Hindi agad siya nakapag isip ng maayos at ang nangibabaw ay ang kanyang emosyon
Ngunit ng palalim na ng palalim ang halik ni Kenjie sakanya ay parang naririnig niya ang mga sermon ng mame niya sakanya kaninang umaga
Agad niyang pinutol ang kanilang halikan ngunit hinabol agad ni Kenjie ang kanyang labi na para bang uhaw na uhaw parin ito sa halik niya
"K-Kenjie saglit--" Itinulak niya ito ng kaunti kaya tumigil ito sa paghalik sakanya
"Why?"
"M-Mali to. May asawa kana at bumalik na siya sa buhay mo--"
"She's not my wife. I'm not yet married."
Napakunot ang kanyang nuo dahil sa sinabi ni Kenjie. Anong pinagsasasabi nito?
"Ha?"
"Peke ho ang kasal nila ni ma'am cassy" Singit ni Mang nestor na kilig na kilig sa gilid. Napatingin siya kay mang nestor.
"Ho?!"
"Wag na maraming tanong jowa miss na miss kita eh mamaya kana magtanong." Hinapit na ni Kenjie ang kanyang bewang at hinalikan siyang muli ng buong pagmamahal
Maya maya pa binuhat na siya nito papasok sa lumang bahay. Napatili pa nga siya dahil sa kapusukan nito.
"Ram and Mang nestor thanks! Uwi na kayo!" Sabi ni Kenjie sa kapatid nito bago nito saraduhan ng pinto si mang nestor at Ram.
Napangisi naman si Ram at tumalon rin ito sa balkonahe.
"Tara na mang nestor. Hayaan muna natin sila" Inakbayan pa ni Ram si mang nestor bago sumakay ng kotse ang mga ito. Masaya ang mga ito para sakanilang dalawa ni Kenjie...
"Nakatagpo rin ng tunay na pag ibig ang alaga ko" Mangiyak ngiyak pa si mang nestor
Natatawa naman si Ram habang inaayos nito ang dalawang gitara sa gilid
"Masarap nanaman ang mga gabi ni Kenjie" Napapailing pang sabi ni Ram.