Chapter 12
Magkahawak kamay na pumunta si Kenjie at Casandra kung saan naroon nagtitipon tipon ang mga bisita ni Harold.
Pinapalibutan ng mga ito ang isang bonfire dahil lumalamig na ang simoy ng hangin kapag gumagabi.
"Wala na bang L.Q lovebirds?" Panunukso ni Harold sakanilang dalawa ni Kenjie
Napangisi lang si Kenjie sa pang aasar ng bestfriend nito samantalang tipid na ngiti lang ang nakayanan niya. Lahat kasi ng mga bisita ay nakatingin sakanila ni Kenjie lalo na ang ex-wife nito
Nag iwas nalang siya ng tingin kay cassy dahil parang gusto siya nitong sabunutan ng bongang bonga sa mga oras na iyon
Nang makalapit sila sa groupo ay kung ano anong panunukso ang natangap nila mula sa mga kaibigan ni Kenjie. Mukhang pabor ang mga ito sa lovelife nilang dalawa.
Napatingin siya kay Cassy at masama parin ang tingin nito sakanilang dalawa ni Kenjie habang katabi nito ang bagong jowa nito. Napakasexy pala talaga nito dahil naka two piece swimsuit lang ito at hindi na siya lalaban pa. Alam niyang maganda rin ang hubog ng kanyang katawan ngunit mahina ang self confidence niya. Sa katunayan nakasuot lang siya ng simpleng tshirt at maiksing shorts. Hindi na kasi ibinalik ni Kenjie ang swimsuit niya.
Habang nakikipag usap si Kenjie sa mga kaibigan nito ay hindi parin nito binibitiwan ang kanyang kamay.
Dumaan sa kanilang harap si Cassy habang magkahawak kamay rin ang mga ito. Napansin niya ang kissmark sa leeg nito.
Ano bang problema nito? Kung talagang nagseselos ito sakanila ni Kenjie ay bakit pinagpalit pa nito si Kenjie sa lalakeng kahawak kamay nito?
Tinignan niya kung anong reaksyon ni Kenjie. Hindi nito pinansin ang ex wife nito bagkus ay masaya pa itong nakikipag usap sa mga kaibigan nito
Napansin ni Kenjie na nakatingin siya sa mukha nito kaya nagtatanong ang mata nito kung bakit
Umiling lang siya at ngumiti ng tipid
"Jowa why?" Bulong ni Kenjie sakanya
"Waley napopogian lang ako sayo" Biro niya
Ngumiti naman ang loko at halatang nagpagwapo pa lalo sakanya
"Kenjie come here for a second.." Tawag ni Harold kay Kenjie
Lalapit sana si Kenjie habang hawak parin ang kanyang kamay. Ngunit sinenyasan ito ni Harold na ito lang ang gusto nitong makausap sa di kalayuan
"Wait for me.." Hinalikan pa ni Kenjie ang ulo niya bago ito lumakad papunta kay Harold.
Nag usap ang mga ito at patingin tingin pa sakanya ang dalawa. Sa tingin niya tinutukso ni Harold si Kenjie sa mga oras na iyon sakanya at parang kinikilig naman ang loko.
"Kenj, Lots of sexy women are here.. Ano sama ka mamaya?" Tanong ni Harold kay Kenjie
"No bro." Nakangiting tangi ni Kenjie
"Whoa. Whoa. Wait wait. Ano ng nangyari sa side chicks natin? Dati naman kay cassy marami parin side chicks ah?"
Ngumiti lang si Kenjie kaya mas lalo naman natuwa si Harold
"I just don't want her to feel alone here."
"Are you sure? Baka iba na yan?"
Hindi naman sumagot si Kenjie at pabiro pa nitong sinuntok ang braso ni Harold. Matalik na magkaibigan talaga ang dalawang ito.
"Nakakapanibago ka Kenj. Anyway let's start the party mukhang nandito na lahat"
Bumalik na si Kenjie sa kanyang tabi at hinawakan agad nitong muli ang kanyang kamay. Hindi naman nila narinig ang pinag-usapan ng mag best friend.
"Okay guys let's start the party!" Sigaw ni Harold
Nagpatugtog na ang D.J ng remix na mga music na talaga namang napapasayaw ang lahat.
Napapasayaw rin tuloy sila ng kaunti ni Kenjie dahil ang lahat ng tao ay sumasayaw
Napatingin siya sa ex wife nito. Nais niyang mapataas ng kilay dahil mukhang pang GRO ang sayaw na sinasayaw nito. Magaling itong kumembot ngunit hindi naman bagay sa music na kasalukuyan tugtog ngayon
Pinigilan niyang mapangiti. Paminsan minsan talaga ay lumalabas ang pagiging maldita niya. Ngunit nawala rin ang ngiti niya ng mapatingin siya kay Kenjie dahil nakatingin ito sa ex-wife nito.
Nag iwas nalang siya ng tingin dahil masakit para sakanya iyon.
Hindi siya pinag suot ng swimsuit nito ngunit ngayon nakatingin ito sa halos hubad ng katawan ng ex-wife nito? Parang gusto tuloy niyang hubarin ang kanyang tshirt naka itim na bra naman siya.
"Okay guys we have some games tonight. The first game is The Lucky partners! At dahil birthday ko my loving girlfriend will choose the players"
Lumapit naman si Selena kay Harold
"Megan and Harry" Nakangiting sabi ni Selena
Nagpalakpakan ang mga tao dahil mag ex lovers daw ang mga ito.
Lumapit ang mga ito sa gitna
"Julius and Patricia"
Lalo naman nag hiyawan ang mga tao dahil tomboy si Patricia at crush na crush ito ni Julius
"Eric and Gayle"
Mag bestfriend daw ang dalawa ngunit may kanya kanyang kasamang jowa. Pumayag parin ang mga ito dahil laro lamang iyon
"Devon and Rica"
Parehong inlove ang mga ito sa isat isa ngunit hindi pa raw nag kakaaminan.
"Kenjie and Cassy. I mean Cassy my bestfriend"
Nagkatinginan silang dalawa ni Kenjie . Napakunot agad ang nuo nito
Tuwang tuwa naman ang mga tao sa paligid lalo na ang ex-wife nito. Ito pa ang sumundo kay Kenjie dahil parang ayaw pa bitiwan ni Kenjie ang kamay niya
"Kenjie c'mmon it's just a game" May halong pang aakit pang boses ng ex wife nito
Napabuntong hininga si Kenjie at wala itong nagawa kundi sumama kay Cassy sa kinakatayuan ng mga players
Hinawakan pa ni Cassy ang braso ni Kenjie at pakiramdam tuloy niya sinaksak nanaman ng mga ito ang puso niya
"My brother Julian and Casandra"
Ibat-ibang panunukso ang kanyang narinig lalo na sa grupo nila Julian sa gilid. Tinutukso ng mga ito si Julian dahil crush daw siya nito
Napatingin siya kay Kenjie at nakakunot ang nuo nito.
"Hey wait bakit ba kasi iba iba pa partners?" Nakakunot nuong tanong ni Kenjie kay Selena. Para bang tutol pa ito sa team up nila ni Julian
"Are you jelly Kenjie? It's just a game" Todo ngiting sagot ni Selena kay Kenjie. Magrereklamo pa sana si Kenjie ngunit inakbayan ito ni Harold at sinabing pag bigyan na nito ang gf nito dahil birthday naman nito.
Lumapit si Julian sakanya at parang nahihiya tuloy ito sakanya
"Hi.."
Ngumiti siya at sumama siya kay Julian. Katabi pa talaga nila si Kenjie at Cassy
Hindi siya makatingin kay Kenjie dahil parang galit nanaman ito sakanya
"Okay guys our first challenge is the lucky partner who will be able to drink the one bottle of coke first. Mayhalong spicy sauce yung coke kaya good luck!"
Tig iisang bote ng coke ang nasa harapan nila at mayroon lamang dalawang straw.
Tumingin siya kay Kenjie. Masama ang tingin nito sakanilang dalawa ni Julian.
Nang sabihin ni Selena na simulan na nilang inumin ang coke ay hindi parin ito uminom bagkus nakatingin lang ito sakanya.
Binalewala nalang niya si Kenjie kahit nagseselos siya dahil iisang coke lamang ang iinumin nito at ni cassy
Sinubukan niyang mag focus sa laro.
Nakangiti naman si Julian sakanya ng sumipsip siya ng coke na may halong hot sauce.
Masukasuka siya sa lasa kaya naman nagtawanan silang dalawa ni Julian.
"Okay Kenjie and Cassy finished!"
Napatingin siya kay Kenjie at parang ito lang ang umubos ng coke.
Napataas ng husto ang kilay niya ng yakapin ito ni Cassy sa sobrang tuwa nito. Mukhang nag enjoy pa ito sa mga pandesal ni Kenjie dahil pasimple pa nitong hinawakan ang mga abs nito
Samantalang ang coke nila ay di pa nga nangangalahati.
Napangiti siya bigla ng makita niyang namumula ang mukha ni Julian at nasusuka na ito
"Kaya pa?" Nakangiting tanong niya kay Julian ngunit umubo lang ito at di na kinayanan pang uminom
Tinunga na niya ang coke at tiniis ang lasa nito.
"Casandra and Julian pasok parin kayo sa game two!" Sigaw ni Selena
Natuwa naman sila ni Julian at humingi ito ng pasensya sakanya dahil mahina ang sikmura nito
Hinagod niya pa ang likod ni Julian dahil parang nasusuka na ito.
Napatingin siya kay Kenjie habang hinahagod niya ang likod ni Julian. Kung nakakamatay lang ang tingin nito ay baka bumulagta na siya sa sama ng tingin sakanya ng gwapong jowa niya.
Para bang malaking kasalanan na ang kanyang nagawa sa paghagod ng likod ni Julian
Wala pang ilang saglit ay sumuka na talaga si Julian.
At dahil walang tissue sa paligid hindi na nag isip pa si Casandra na hubarin ang kanyang tshirt at iyon ang ipang punas niya sa bibig ni Julian
"Thank you Cas.." Nahihiya si Julian sakanya ngunit napatingin ito sa malulusog niyang dibdib
Halos umusok naman ang ilong ni Kenjie sa inis.
"F*ck.."
Lumapit ito kay Harold
"Take off your t-shirt"
"Ha? Bakit bro--"
Si Kenjie na mismo nag hubad kay Harold ng t-shirt nito. Agad naman lumapit si Kenjie sakanya habang nakakunot ang nuo nito
Pagtingin niya kay Kenjie agad siyang sinuotan nito ng t-shirt na kinuha nito kay Harold. Ipinasuot nito sakanya ang t-shirt na iyon
Wala siyang nagawa kundi sundin si Kenjie.
"Don't do something that i don't like" Babala nito kay Julian bago ito bumalik sa pwesto nito
Hiyang hiya tuloy si Casandra dahil kitang kita ng mga tao kung paano magselos si Kenjie.
Gusto niyang kiligin ngunit baka parte lang iyon ng pagdadrama ni Kenjie upang pagselosin ang asawa nito.
"Okay guys. Nakita niyo naman nagkakaselosan na. My Gosh!" Parang tuwang tuwa pa si Selena
"Next game will be paper dance!"
Itutupi nila ang news paper at tutungtong sila doon. Kailangan magkasya sila sa loob ng papel sa paghinto ng music at pag lumagpas ang kanilang paa ay out na sila
"This is bullsh*t" Mahinang reklamo ni Kenjie at ang ex wife lang nito ang nakarinig. Napapansin din ni Cassy na panay ang tingin ni Kenjie kay Casandra at Julian
"So you really like her huh?" Tanong ni Cassy kay Kenjie
Kunot noo lamang ang sinagot ni Kenjie sa ex-wife nito.
Nang mag umpisa na ang tugtog ng music ay napapasayaw pa silang mga players bukod tangi kay Kenjie. Parang wala ito kagana ganang sumayaw
Unang tupi palang ng papel ay halos magkadikit na ang mga players
Napamura pa si Kenjie ng makita nito ang kamay ni Julian na umaalalay sa likod ni Casandra
Hindi ito tumuntong sa news paper kaya naman na-out tuloy ang mga ito
"Ano ba yan Kenjie out tuloy tayo agad!" Reklamo ni Cassy
Samantalang lumapit pa talaga si Kenjie sa pwesto ni Julian at Casandra na para bang binabantayan pa nito ang dalawa
Wala itong paki alam kahit kapansin pansin na ang pagiging seloso nito.
"One more time!" Sigaw ni Selena at muling tumugtog ang music
Hindi na tuloy makasayaw ng maayos si Casandra dahil nasa gilid lang nila si Kenjie at parang binabantayan siya
"Magpa-out kana Casandra" Utos pa ni Kenjie sakanya. Nais sana niyang mapangiti dahil kinikilig siya sa pagiging seloso nito
Mukhang hindi naman nagugustuhan ni Julian ang pagbabantay ni Kenjie sakanila. Wala na tuloy itong ganang sumayaw at nakikipagtitigan nalang ito ng masama kay Kenjie
Nang huminto ang music agad siyang binuhat ni Julian na para bang bagong kasal upang makatuntong ito sa kapirangot na news paper
Nagpalakpakan ang lahat. Ngunit hindi na kinaya ni Kenjie ang pagseselos nito.
"Take my girlfriend down" Galit nitong utos kay Julian.
Sinunod naman ito ni Julian at maingat siyang ibinaba
"This is just a game Kenj" Sabi ni Julian kay Kenjie
"I don't care. F*ck off"
Hinila na siya ni Kenjie palayo sa mga ito. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.
"Uy jowa nasasaktan na yung kamay ko.."
Niluwangan naman nito ng kaunti ang pagkakahawak sakanya ngunit hinila parin siya nito papunta sa kanilang room 204
"Jowa tama na yan. P-pang famas award na yung pag seselos mo bentang benta na yan sa ex-wife mo--"
"I'm f*cking jealous!" Putol ni Kenjie sa sinasabi niya bago nito hinapit ang kanyang bewang at siilin ng mapang-angkin nitong halik ang kanyang labi
Isinara nitong mabuti ang pintuan ng kanilang kwarto habang hinahalikan siya nito.
Kakaiba ang paraan ng paghalik nito sakanya. Marahas at parang inaangkin siya nito. Para bang pinararamdam nito sakanya na ito lamang ang nagmamay-ari sakanya at wala ng iba pa...
Itutuloy...
Author: Hello guys! May bago akong vlog sa youtube chikahan tayo.
Cecilia Jalimao name ko po sa youtube salamat po :)