Chapter 10

2453 Words
Chapter 10 "Bakit nakasimangot ka diyan at ang haba ng nguso mo cassy ?" Tanong ni Heidi kay Casandra habang nag liligpit sila ng kanilang mga gamit. Kakatapos lang ng kanilang hairstyle services. "Napagod lang ako Heids.." Matamlay niyang sagot "Alam ko itsura mo pag pagod at pagmalungkot. May problema ba?" Napabuntong hininga siya. Silang dalawa nalang ni Heidi sa loob ng dressing room kaya naman sinabi na niya dito kung bakit siya nalulungkot "Tatlong araw na kasi hindi nagpaparamdam si jowa mula ng manuod kami ng sine" Sumakit rin ang ulo ni Heidi dahil sa problema niya. Tinabihan siya nito sa kanyang inuupuan "Ayan na nga ba sinasabi ko sayo eh. Alam mo naman kung bakit mo siya jowa jowaan diba? Para bumalik ang asawa niya. Dapat itatak mo sa isip mo na hindi totoo ang relasyon niyo para di ka umaasa ng ganyan. Sinabihan na kita noon cassy sabi ko naman sayo mahirap yang pinasok mo" "Ang hirap kaya.." Reklamo niya habang naluluha na ang kanyang mga mata Tatlong araw na simula ng manuod sila ng sine ni Kenjie. Nakipaghalikan ito sa kanya sa loob ng sinehan na para bang ayaw na nitong tantanan ang kanyang labi. Ihinatid naman siya nito sa bahay nila ngunit napansin niyang nagmamadali na itong umuwi ng gabing iyon. Hindi rin ito nag chat simula noon. Hindi niya tuloy alam kung tuloy parin ba ang pagpapangap nila o bumalik na ba ang asawa nito? Wala siyang balita kay Kenjie ngayon. Nahihiya naman siyang pumunta sa condo unit nito. Tahimik rin ang mga balita tungkol kay Kenjie at ang date nila sa sinehan ang huling trending sa social media. May nakapagpicture at video pa sakanila sa loob ng sinehan kaya naman sinermunan siya ng mga mame niya ng mapanuod ng mga ito sa balita ang kanilang paghahalikan ni Kenjie "Hayaan mo na muna si Kenjie baka inaayos na niya yung relasyon nila ng asawa niya. Ngayon palang alisin mo na lahat ng nararamdaman mo para sakanya" "Sana nga ganern lang kadali ang lahat eh" "Halika ililibre nalang kita ng milk tea. Tska may chicka ako sayo about sa bagong korean drama na pinapanuod ko" Napangiti siya. Alam talaga ni Heidi ang magpapasaya sakanya. Well sana nga sumaya siya sa milk tea katulad noon. Sana nga matakpan ng milk tea ang munting kirot sa puso niya Ngayon palang kasi miss na miss na niya si Kenjie. Gabi gabi niya itong naiisip. Ilang beses na niya itong chinat sa i********: ngunit na- seen zone lamang nito ang mga chats niya To Kenjie : Hello jowa kamusta? (Monday) To Kenjie: Jowa busy ka? (Tuesday) To Kenjie : Anong susunod natin drama jowa? Tuloy pa ba kontrata? (Wednesday) Ngayon thrusday na ay wala parin itong reply sa mga chats niya. Sinama siya ni Heidi sa isang mall pagkatapos nilang rumaket ng araw na iyon. Nilibre siya nito ng milk tea at dahil malungkot siya nilibre parin siya nito ng dinner nila "Cassy huwag kana malungkot ha?.." "Salamat Heidi.." Nakipag beso beso pa siya kay Heidi bago sila kanya kanyang umuwi. Sa ibang daan kasi ang bahay nito at malayo sa kanilang bahay. Sumakay ito ng MRT samantalang nag bus lamang siya. Habang nasa bus siya ay hindi niya parin maiwasan isipin si Kenjie. Kamusta na kaya ito? Nagkabalikan na kaya ang mga ito? Mababaliw ata siya kakaisip. Hindi niya akalain sa maiksing panahon ay ganito na ang magiging feelings niya para kay Kenjie. Habang nag iisip siya nagulat pa siya ng mag vibrate ang kanyang cellphone Iniisip niyang si Heidi lang iyon dahil wala naman ibang tatawag sakanya kaya hindi na niya tinignan ang pangalan ng caller niya "Hello?" Matamlay niyang sagot sa tawag "How are you?" Napatayo pa siya sa pagkakaupo niya sa bus ng marinig niya ang boses ni Kenjie Hoffman sa kanyang cellphone! "J-Jowa?" "Yeah" Maiksing sagot ni Kenjie "N-Napatawag ka jowa? A-Ayos naman akech buhay pa naman" Hindi ito sumagot sa kabilang linya "It's Harold's birthday tomorrow" Maya maya sabi nito sakanya May kaunting kirot siyang naramdaman sa kanyang puso. Kaya pala tinawagan siya nito dahil kailangan siya nito. Iyon lang naman talaga ang papel niya sa buhay nito diba? "G-Ganon ba. E-Edi Happy birthday to him" Dinaan nalang niya sa biro ang kirot sa kanyang puso "Susunduin ka ni mang nestor bukas" Dumagdag iyon sa kirot na nararamdaman ng puso niya. Bakit ipapasundo nalang siya nito? "O-Okey sige" "Around 8am" "B-Bakit ang aga naman?" Pilit niyang hindi magbago ang boses niya kahit parang may nakabara na sa lalamunan niya at nagbabadyang tumulo na ang kanyang luha. Akala pa naman niya tumawag ito dahil naalala siya nito. May kailangan lang pala ito kaya ito napatawag. "Sa boracay gagawin ang birthday niya sabay sabay tayong aalis" "G-Ganon ba. Edi nandoon si c-cassy?" Tinanong pa niya kahit alam naman niya ang sagot "Yeah" Mahina nitong sagot "W-Wow maganda yan magkikita kayo" Napatulo na ng tuluyan ang kanyang luha "Are you crying?" Tanong nito ng marinig nito ang pagsinghot niya "H-Hindi sinisipon kasi ako ang lamig dito sa bus" Hindi ito kumibo "S-Sige jowa malapit na akong bumaba eh. S-See you tom" Hindi na niya hinintay na sumagot ito at siya na mismo ang nagturn off ng kanyang cellphone Tahimik siya napa-iyak mag isa sa loob ng bus. Hindi niya alam kung bakit ganito kasakit kahit kakakilala niya palang kay Kenjie. Lahat ng mga paglalambing nito sakanya na binigyan niya ng kahulugan noon ay unti unting nabura sa pagiging ambisyosa niya. Naisip niyang ginagawa lang talaga nito ang paglalambing sakanya dahil gusto nitong pagselosin ang dating asawa nito Hindi niya alam kung paano siya nakauwi ng araw na iyon. Napansin agad ng mga mame niya ang pamumula ng kanyang mga mata ngunit hindi naman nagtanong ang mga ito at hinayaan muna siyang mapag isa sa kwarto niya Kinabukasan naroon na si mang nestor at maaga siyang sinundo. Pinayagan naman siya ng kanyang mga mame sa pag punta niya sa boracay. "Ma'am kamusta?" Tanong ni mang nestor habang nasa biyahe sila "A-Ayos naman po mang nezz" "Pareho kayo ni Sir Kenjie ah malungkot." Komento nito Ngumiti lang siya ng tipid. "B-Baka namimis na niya ang asawa niya mang nezz" "Satingin ko iba ang namimis niya eh" Napapangiting sabi ni mang nestor sakanya "Si mang nezz talaga oh. Hindi ako mamimis nun" "Who told you?" Nanlaki ang mata niya ng may biglang magsalita sa likuran ng kotse. "Ay palaka!" Napahawak tuloy siya sa kanyang dibdib Isang napakagwapong kenjie hoffman lang naman ang nasa likod ng kotse at mukhang kakagising lang nito dahil nakapajama pa ito. "J-Jowa?" "Hi.." Kakaiba ang tingin nito sakanya at ayaw man niyang mahulog ay talagang nakakahulog ng loob ang pagtingin nito sakanya "H-Hi din.." Namumula ang pisngi niya dahil ramdam niyang nag init iyon Lalo na tinukso pa sila ni mang nestor "Ayieee..." Panunukso ni mang nestor sakanilang dalawa "Lipat ka dito.." "H-Ha?" Hininto ni mang nestor ang kotse "Lipat ka raw ma'am. Kalerky" Pag gaya ni mang nestor sa paboritong word niya Sabay tuloy silang napangiti ni Kenjie dahil doon. Hindi na siya nagpakipot pa at mabilis siyang lumipat sa likod ng kotse "K-Kamusta jowa--" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng sungaban ni Kenjie Hoffman ang kanyang labi ng mapusok na halik nito. Ang kanilang halinghing nalang ang tanging naririnig ni mang nestor habang nagmamaneho ito at sila naman ay naghahalikan sa likod ng kotse. Halos ihiga na siya ni Kenjie sa labis na paghalik nito sa kanyang labi. She can feel the heat of his body. Para bang nag-aapoy iyon na dumadaloy rin ang init sa kanyang katawan Napahaplos siya sa buhok nito habang naghahalikan sila ng walang patid Unti unti namang gumalaw ang malikot na kamay ni Kenjie mula sa paghaplos sa kanyang likod hangang sa kanyang mga braso hangang sa mapahaplos na ito sa malusog niyang dibdib Saglit siyang napasinghap ng hawakan nito ang kanyang dibdib. Kakaibang pakiramdam kasi ang naranasan niya ng pisilin nito ang kanyang dibdib habang mapusok itong nakikipag halikan sakanya "Nandito na tayo Sir" Putol ni Mang nestor sa kanilang paghahalikan ngunit itinaas lang ni kenjie ang hintuturo nito sa harap ni mang nestor habang patuloy nitong hinahalikan siya Ibig sabihin humihingi pa ito ng kaunting oras pa para ituloy ang kanilang paghahalikan. Ngumiti naman si mang nesto at bumaba ito ng kotse. Hinayaan muna sila nitong maghalikan. "K-Kenjie..." Ungol niya sa pangalan nito habang patuloy siya nitong hinahalikan. Bumaba ang mga halik ni Kenjie sa kanyang leeg kaya naman napatingala siya. Napapapikit siya sa sarap ng pinararanas nito sakanya Dahan dahan bumababa ang mga halik nito hangang sa ibabaw ng kanyang dibdib. Nakasuot lamang siya ng maluwang na V-neck t-shirt kaya naman ramdam niya ang labi nito kahit pa nakadamit siya. Napaungol ito ng sumobsob ito sa kanyang dibdib para bang dinadama nito ang malusog na s**o niya sa gwapong mukha nito Kinatok sila ni mang nestor "Sir tama na po yan marami na pong tao sa labas hindi po tinted ang dala nating kotse baka magka-scandal kayo ng wala sa oras" Napapakamot sa ulong sita sakanila ni mang nestor Akala kasi ni mang nestor hangang halikan lang ang kanilang gagawin. Nataranta ito ng makitang sa dibdib na niya humahalik si Kenjie. Dahil sa sinabi ni mang nestor tumigil si Kenjie sa pag halik sa kanyang dibdib Mapungay na mapungay ang mga mata ito at kinintilan pa muli siya ng halik sa kanyang labi "Mamaya nalang uli.." Pilyo nitong sabi sakanya. Hindi naman siya makapagsalita dahil shock parin siya sa kanilang pinagsaluhang halik. Halos ibigay na niya ang buong katawan niya kay Kenjie ng walang pag aalinlangan Inalalayan siya nito sa pagbaba ng kotse. Marami na pala talagang tao sa paligid at mga kaibigan pa nito ang mga iyon! Higit sa lahat naroon rin ang ex-wife nito at nakita nito ang kanilang ginawa sa loob ng kotse Napalunok tuloy siya at nakaramdam ng kalungkutan dahil baka hinalikan lang siya ni Kenjie dahil alam nitong makikita sila ng ex-wife nito. Todo ngisi naman ang ibang kaibigan nito "You're the man bro!" Pang aasar pa ng isa sa mga kaibigan ni Kenjie "Woo. Sarap non Kenjie ha?" Pang aasar ni Harold kay Kenjie Nakangiti naman ang loko habang naka-akbay pa sakanya Samantalang hindi naman maipinta ang mukha ng ex-wife nito at halos umusok na ang ilong nito. Nag iwas tuloy siya ng tingin sa ex-wife nito dahil masama ang tingin nito sakanya May katabi itong lalake at nasisigurado niyang iyon ang katabi nito noong una niya itong makita sa kasal ni Kenzo Hoffman. "Are you okay?" Bulong ni Kenjie sakanya ng mapansin nitong nalungkot siya Peke siyang ngumiti ng tipid "O-Oo naman" Hinalikan siya ni Kenjie sa kanyang pisngi.. "Don't be sad. It makes me sad" Napapikit pa siya ng kaunti. How she wish totoong hinahalikan siya nito dahil gusto nito at hindi dahil sa drama lamang. Ngayon palang gusto na niyang umiyak dahil bawat halik niya kay Kenjie ay galing sa puso niya. "H-Hindi naman akech sad no" "Promise?" Kung titignan niya si Kenjie ay parang may nararamdaman rin ito sakanya ngunit alam niyang wala. Magaling lang siguro talaga itong mag drama at higit sa lahat gustong gusto lang talaga nitong bumalik ang dating asawa nito Napalunok muna siya bago siya nakasagot "P-Promise" Hindi naman kasi siya malungkot kundi nasasaktan siya. Mag kaiba ang nalulungkot sa nasasaktan.... Sumakay sila sa private plane na pag mamay-ari ni Harold. Marami-rami sila at mga kaibigan iyon lahat ni Harold. Magkatabi sila ni Kenjie habang nakahawak ito sa kanyang kamay habang nakadantay ang ulo nito sa kanyang balikat Kikiligin sana siya sa posisyon nila kung hindi lang nakaupo sa tapat nila ang ex-wife nito at ang bagong jowa ng ex-wife nito. Alam niyang naglalambing lang ng ganoon si Kenjie sakanya dahil nasa tapat nila nakaupo ang ex-wife nito "Bakit nakapajama ka lang?" Mataray na tanong ni Cassy kay Kenjie ng hindi na nito matiis magsalita Si mang nestor naman ang sumagot sa tanong ni cassy. Dahil katabi rin ni Kenjie si Mang nestor sa kabilang side nito. Isinama ito ni Kenjie dahil taga boracay ang pamilya ni mang nestor pagbabakasyuhin muna ito ni Kenjie ng ilang araw "Paano hindi yan nakatulog kagabi kakaisip.. Late na tuloy nagising si Ser" Tukso ni mang nestor kay Kenjie Ngumiti lang si Kenjie at humigpit ang pagyakap sakanyang bewang na para bang wala itong paki-alam sa ex-wife nito kung ano mang tinatanong nito. Tumaas naman ng husto ang kilay ng ex-wife ni Kenjie. Hindi na ito nag salita pa. "I can't wait to be alone with you.." Bulong ni Kenjie sakanya kaya tinignan niya ito. Sa sobrang hina ng boses nito ay panigurado siyang hindi nito ipinaririnig sa ex-wife nito ang binubulong nito sakanya Mapungay rin ang mga mata nito na para bang gusto na siyang halikan sa mga oras na iyon Kung nag dadrama lamang ito ay napakagaling nito at papasa itong artista. Malungkot siyang ngumiti at bumulong rin siya kay Kenjie "L-Lakasan mo pa yung boses mo jowa dahil di ka naririnig ng tunay na jowa mo" Bulong niya kumunot naman ang nuo nito dahil sa sinabi niya. May sasabihin pa sana ito ngunit parang nag bago ang isip nito at pinili nalang nitong tumahimik. Ilang saglit pa ay nasa boracay na sila. Hindi na siya kina-usap ni Kenjie sa buong biyahe at parang naiinis ito ng kaunti. "Where's our room?" Tanong ni Kenjie kay Harold pagdating nila sa vacation house nila Harold sa boracay island "Whoa. Gusto na agad makapagsolo?" "Where?" Tanong uli ni Kenjie habang hawak hawak nito ang kanyang kamay Napapa-iling lang si Harold bago nito tinignan sa macbook nito ang room number nilang dalawa Nakayuko lang siya dahil alam niyang drama lang iyon ni Kenjie dahil nasa likod nila ang ex-wife nito "Second floor room 204 bro" Sagot ni Harold kay Kenjie Agad naman siyang hinila ni Kenjie papunta sa kanilang kwarto. Napapatingin tuloy ang mga kaibigan nito kay Kenjie "Ser!" Habol ni Mang nestor sakanilang dalawa ng maka-akyat na sila sa second floor Huminto naman si Kenjie at hinintay si mang nestor. Hawak parin nito ang kanyang kamay "Ser maiwan ko muna kayo ha? Babalik nalang ako dito sa linngo ng gabi pag uuwi na ho tayo sa maynila" "Okay mang nestor. Here.." May inabot si Kenjie na pera kay mang nestor Ngunit ayaw naman iyon tangapin ni mang nestor "Naku ser huwag na ho--" Para bang hindi na makapag hintay si Kenjie kaya ipinatong nalang nito sa gilid ang pera dahil ayaw pa iyong kunin ni mang nestor Hinila na siya nito papasok sa room 204... "Nako po mukhang di na mapigilan ni Ser" Napapangiting sambit ni mang nestor bago nito kinuha ang pera sa pinagpatungan ni Kenjie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD