CHAPTER 28 “MS. MERCADO, may I have a moment with you please?” Kasabay niyang napalingon ang mga kasama niya sa conference room ng kumatok at bumukas ang pintuan saka bumungad si Maxine na tiga-accounting department, asawa ng kapatid ni Sean. “Continue with the meeting. Jo, kindly send me the minutes, okay?” aniya saka lumakad na palabas ng conference room. Unti-unti nawala ang ngiting nakabakas sa mukha ni Maxine ng makarating sila pareho sa kanyang opisina. “Bakit hindi ka ma-contact? Kanina pa nagwawala si Lucille at hindi nila mapatahan sa bahay,” Binundol ng matinding kaba ang kanyang dibdib. Nanginginig ang kamay, dinukot sa bulsa ang kanyang cellphone at tiningnan kung bakit wala siyang natatanggap na tawag simula pa kanina. Mariin siyang napapikit ng makita na dead