CHAPTER 49 SINABAYAN ni Sheena sa pag-bilang ang timer na kanyang na-i-set kani-kanina lamang. Para iyon sa pregnancy test na matapos gamitin ay ipinatong niya sa sink counter. Paroo't-parito siya habang nagbibilang at kanina pa gustong malaman ang resulta ng ika-anim na pregnancy test kit na kanyang nagamit. Oo, anim, dahil kapag na-de-delay siya, nabili siya agad ngunit pulos negative na resulta ang kanyang nakukuha. Erica told her not to lose hope that easily because she's doing everything good just to have another baby. Iyon ang pangarap na meron siya ngayon na may sarili na sila na bahay at nagagawa na niyang balansehin ang buhay maybahay, ina at trabaho. Mas marami siyang spare time ngayon kaya iyong iba ay ibinalik niya sa nakahiligan na pagpipinta. Madalas kasama niya si Lucille