AMIRA Pagkatapos ng kasiyahan, nauwi agad sa impyerno ang kaluluwa ko. Well, noong nagbida-bida si Deimos at nagi siyang desisyon sa buhay ko, tinanggap ko na ang parusang igagawad sa akin nito ni ipis. Pero bakit hindi siya nagsasalita? Galit siya, di ba? "Sorry," panimula ko. Hindi ako sanay na nakaupo lang si Phobos sa harapan ko at nakatalikod pa habang nakakuyom ang kamao. Nakaktats, pinipigilan niya 'yong galit niya ngayong gabi, pero bakit? He can do everything to me, dahil alipin niya ako. Nakakapanibago. "For what?" naguguluhang tanong nito. "Dahil gumawa na naman ako ng eksena. Dahil sumasakit na naman ang ulo mo. Dahil nabulilyaso ko 'yong kasiyahan ngayong gabi, at dahil nagpatianod ako sa paanyaya ni Deimos," mahaba kong lintana. Sinubukan kong kinun ang kamao nito par