AMIRA That d*mn, jerk! Sabi niya babalik siya kaagad, pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Naubos ko na lang ang pagkain na hinatid sa akin kanina ni Kuyang Guard, ni anino ni Phobos hindi ko pa nakikita. Magkahalong inis at pag-aalala ang nag-aagaw sa aking sistema habang binabagtas ko ang daan patungo sa girls dormitory. Tatanungin ko si Hayashi kung saan 'yong punishment room dahil paniguradong nandoon si Phobos. Ngayon ko lang napagtanto na ang hassle pala talaga kapag walang cellphone. Hindi naman kasi ako pwedeng umutang na naman kay Phobos, alangan naman kay Hayashi, eh, wala nga akong kapera-pera, anong ibabayad ko? Dugo? Pffft. "Amira!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakilala ko ang mukha nito, at kung hindi ako nagkakamali, isa iyon sa mga kasama ni Aizarina. Tamang-t