CHAPTER 3.5

1658 Words
How Dare Her... "Teka lang, teka lang... Miss Beautiful, magkakilala kayo ni Phobos? Kailan? Saan?" takang tanong ni Crik. Hindi sumagot 'yong pangahas dahil nakatuon ang atensyon nito sa akin. Tsss. stop staring me like that. May makakahalata na normal ka. Bago pa man mangyari iyon, kaagad na akong nagsalita para hindi nila masyadong pansinin 'yong baguhan. "Crik, Deimos let's go. I don't want to waste my time sa isang mababang uri kagaya niya. Walang utang na loob," mahinang sabi ko pero sapat na para tumagos sa puso at kaluluwa niya. Nakita ko ang pagbabago ng mukha no'ng babae. Tsss, tama yan, matuto kang mahiya dahil pera ng mga magulang ko ang gagastusin mo simula bukas. Habang binabagtas ang daan, hindi magkandaumayaw sa kakatanong si Crik tungkol doon sa babae. "What the f*ck Phobos! Kilala mo talaga 'yong babaeng 'yon? Ano 'yun? Ex mo? Pero imposible dahil NGSB ka at akala ko panghabangbuhay na iyon!" natatawang tanong ni Crik na nagawa pang mang-insulto. Umiling ako sa tinuran niya. "Tumahimik ka na lang, pwede?" babala ko na agad naman nitong sinunod. Alam naman nila na imposible talaga akong magkaroon ng girlfriend dahil ayaw kong matulad kina mom and dad, pero hindi naman siguro nila kailangan ipaala sa akin iyon. Ayaw kong mag-asawa dahil masasaktan ko lang 'yong taong mamahalin ko. Ayaw kong magkaroon ng kaibigan na babae dahil posibleng mahalin ko siya. "Bilisan na lang natin dahil may kailangan pa akong puntahan," sabi ko. Sumang-ayon lang 'yong dalawa at simula noon, walang umimik sa amin hangga't sa makarating kami sa resgistar's office. Kahit mahaba ang pila, hindi iyon naging problema sa amin dahil pag mama- ari ng pamilya namin ang paaralang ito. Pagkapasok namin sa office nadatnan namin si Tito Finn at Tita Venus. "Mom, Dad! Wag kayong maglampungan dito oh, nakakahiya naman sa mga students na naiinggit sa inyo," saway ni Crik sa kanyang mga magulang. Nakaakbay lang naman kasi si Tito Finn habang si Tita naman ay busy sa pag-i-interview sa mga students. Buti nga nakakasagot pa sila at hindi nadi-distract sa kanilang nakikita. "Manahimik ka Crik! Hindi talaga kita papayagan manood ng barbie the movie next week!" sabi ni Tita bilang ganti sa pagpapahiya na ibinigay ng kanilang Anak. Psh, lantaran naman kasi si Crik, walang preno ang bunganga. Pfftt, kanino pa nga ba magmamana? "Ayyy sorry na mom! Joke lang 'yun! Alam mo na kapag gwapo, joker 'di ba?" tanong nito. Sinipat niya pa kaming dalawa ni Deimos, animo'y namamalimos sa sang-ayunan namin ang kanyang sinabi. Kahit labag sa loob, tumango na lang kami para hindi na magtagal. "Amira Bethany Ruiz..." tawag ni Tito Finn. Naningkit ang mga mata ko nang makitang pumasok 'yung babae na kinupkop nina mom. So, Amira pala ang name niya? "Oh my gosh! Mommy mo si Shane Annabel?" gulat na tanong ni Tita Priscilla. "Yeah," malamyang sagot nito. Tsk, walang galang. Habang pino-proseso ni Tita Venus ang kanyang enrollment, hindi nakaligtas sa amin ang makamandag nitong mga titig. Tsss, tingnan natin kung hanggang saan ang itatagal mo rito. "Congratulations! You are now a student of St. Augustus! This is your uniform and your room key. Please inform your mother about the tuition fee, 500,000 every quarter. Any question?" tanong ni Tita. Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Amira sa kanyang narinig. Pfft, nawindang ba siya sa laki ng tuition na babayaran niya? "Ke-Kailan po magbabayad ng tuition?" nahihiyang tanong nito. "Tomorrow morning. Pumunta ka ulit dito sa office para makuha mo ang card mo. Nga pala labas ang 500,000 sa perang gagastusin mo sa loob ng school kaya madadagdagan ang perang ibibigay mo bukas para malagyan namin ang card mo," mahabang paliwanag ni Tita. Mas lalo ata siyang nalula noong malaman na hindi lang 500,000 ang kanyang babayaran. Mabilis akong sumingit sa kanilang pag-uusap dahil baka umiyak na itong babaeng ito, ako naman ang malilintikan kay mommy. "Tita, may pupuntahan pa pala kami ng babaeng 'yan. Excuse me po," sabat ko. Hinila ko ang braso niya palabas ng office. Hindi ko pinansin ang tawag ni Crik at ang malamig na titig ni Deimos. Bahala na rin kung ano ang isipin ng mga madlang nasa paligid namin, basta ang mahalaga, hindi ako mapagalitan ni mom. Habang mabilis na naglalakad, halos maglupasay ang mga kababaihan na masalubong namin sa daan. "Phobos! Sama kami!" malakas na sigaw ni Crik kasunod si Deimos. Hindi ko sila nilingon ngunit sinagot ko ang tawag ni Crik. "Bilisan nyo!" matamlay kong tugon. Nanatiling tahimik si Amira hanggang sa makarating kami sa parking lot. Siguro hanggang ngayon ay gulat pa rin ito about sa mga babayaran niya sa school. Habang naglalakad, bigla na lang pumasok sa isip ko 'yong bilin ni mom. Hindi ko alam kung dapat ba niyang malaman na nasa sa akin ang pambayad niya or, mas mainam na wag na lang? Aaminin ko, medyo nainis ako dahil hindi naman namin kaano-ano ang babaeng 'to para gastusan ni mommy, isa iyong factor kaya hindi ko sinabi kanina kay Tita Venus na hawak ko ang pambayad ni Amira. At isa pa, nagtataka ako kung bakit pinayagan ni dad na makapasok ang isang 'to sa kulungan, samantalang isa siyang normal. Imposibleng hindi nila nahalata? Pero anong dahilan? Ano siya? Alay katulad no'ng Reyna-reynahan dito? "Miss Beautiful, hey.." rinig kong bulong ni Crik kay Amira na tulala pa rin. Kawawa, gano'n ba siya ka- problemado sa pera? "Shut up," malamig na tugon nito. "Tabi nga Crik, baka natatakot sa itsura mo," pang-iinsulto ni Deimos tapos sinubukan niyang lapitan si Amira. "Amira, right? May problema ba? Alam mo bang parang kang isang kristal? Napaka-ganda mo at mas lalo kang kumikinang kapag naaarawan," banat ni Deimos na nagpakawala pa talaga ng isang nakakaakit na ngiti. Sad to say, hindi man lang siya binalingan ni Amira ng atensyon. Kahanga-hanga... I mean, pangahas. "Wahahahaha! Ang sakit naman no'n Deimos! For the first time pumalpak ang charm mo!" pang-iinsulto ni Crik na animo'y gugulong na sa lupa sa sobrang tawa. Labis iyong ikinainis naman ni Deimos kaya nabatukan nya ito. "Sakay, bilis," malamig kong utos no'ng makarating na kami sa parking area. Walang kibo itong sumunod tapos pasimple pa akong sinenyasan ni Crik na galit daw. Psh, anong paki ko kung oo? Nasa driver' seat naupo si Amira at 'yong dalawa naman ang nasa back seat. Good luck na lang talaga dahil mukhang sa buong byahe ay hindi ako makakakibo. Pinaandar ko na ang sasakyan tapos pasimpleng sumusulyap sa gilid para alamin kung ano na ang ginagawa nito. Nananatili lang siya sa kanyang posisyon. Nakahilig ang ulo sa bintana habang seryoso ang mukha. Tssss, iyon pa rin ba ang nasa isipan niya? Hindi niya ba nakuha na kaya ko nga siya inayang umalis para hindi na niya iyon problemahin pa? "Amira, paano kayo nagkakilala ni Phobos?" tanong ni Crik na hindi na nakatiis pa. "Nakilala ko siya ngayon lang dahil nak---", "Nakilala ko siya sa labas ng subdi, tatanga-tanga kasi siya kaya muntik nang masagasaan ng sinasakyan ko, 'di ba? A.MI.RA?" pamumutol ko na may halong pagbabanta ang boses. Isang pekeng ngiti ang iginanti nito saka sumang-ayon sa aking sinabi. Buti naman at nakuha niya ang gusto kong sabihin. Hindi maaaring malaman nina Crik na sa amin nakituloy ang normal na ito. "Eh? Alam mo bang ito ang unang beses na humawak si Phobos ng kamay ng babae?" Tumikhim ako nang malakas para balaan si Crik na manahimik na siya dahil hindi na ako natutuwa. "Wala aking paki," mabilis na tugon ni Amira. Mabilis kong sinipat ang kanyang mukha na animo'y anumang oras ay mamamatay sa sobrang pagka-bored. May gana pa siyang gumawa ng ganyang ekspresyon? Wala talagang utang na loob. Pagkarating namin sa mall, kaagad na nagsibabaan 'yong dalawa. "Hey, sumunod ka sakin," utos ko. Hindi ito pumalag ngunit nagulat ako noong hawakan nito ang laylayan ng aking damit. "What the f*ck are you doing?" maldito kong tanong. "Baka tumakbo ka at iwan ako. Naninigurado lang," tugon niya. Umiling ako dahil hindi ako makapaniwala na sasabihin niya iyon. Natakot siguro siya sa ginawa ko sa kanya kaninang umaga. Gusto ko lang naman ipaalala sa kanya kung ano ang posisyon niya, hindi ko naman naisip na seseryosohin niya pala. "Phobos, Amira, may titingnan lang kami ni Deimos doon, maiwan na muna namin kayo. Kita-kits na lang mamaya," ani Crik. Tumango ako at hinayaan na silang humiwalay. Kami ni Amira ay patungo sa NB para bumili ng gamit. Pagkarating namin sa loob, hindi pa rin siya bumibitaw. Nairita na ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. "Wala ka ba talagang balak na bumitaw? Hindi ka ba nahihiya?" mahina kong tanong. Inilapit ko pa nang bahagya ang aking mukha para masigurong siya lang ang makakarinig ng sasabihin ko. "Bakit ba? Hindi nga kita pinagkakatiwalaan sabi. Demonyo ka pa naman," mahinang tugon nito. Umirap ako at buong lakas na inalis ang kamay nito sa damit ko. "Kumuha ka na ng basket at mamili ka na ng gamit," utos ko. Nalaglag ang panga nito at lumaki ang kanyang mga mata sa narinig. "Weh? Seryoso?" hindi makapaniwalang bulalas nito. Mabilis kong tinakpan ang bunganga niya dahil masyado siyang maingay. "Pwede ba wag kang mag-eskandalo rito?" mariin kong ani. Maligalig itong tumango tapos hinawi ang aking kamay. "Eh, paano 'yong pambayad ko? Wala naman akong pera, pero promise, maghahanap ako ng trabaho para makabayad," sabi nito. Wala sa wisyo akong tumango at hinayaan lang siyang tumakbo habang masayang kumukuha ng mga bagay na gagamitin niya. Isang ngisi ang kumawala sa aking labi at nakaisip ng isang masayang ideya. Hindi naman siguro malalaman nila mom at dad kung magta-trabaho siya para makaipon ng pambayad, 'di ba? Kung tutuusin, tama naman ang desisyon na naisip niya dahil pera ng mga magulang ko ang gagamitin niya para makapag-aral sa Saint Augustus Academy, kahit na hindi siya karapat-dapat na makulong sa loob kasama namin. Well, good luck na lang talaga sa kanya. Sana ay makapagtapos siya ng pag-aaral ng may buhay pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD