Akala ko lalampasan lang nila kami, ngunit mukhang kami talaga ang sadya niya. Iko-congratulate niya ba sina Deimos dahil despite sa effort nilang mandaya, hindi pa rin sila nagtagumpay. Ngumisi ito, mayabang iyon. "Grats. Hindi namin inaasahan na hindi lang pala 'yong Zchick na iyon ang banta sa amin. Kasama pala kayo sa dapat naming alalahanin, hahahaha. Mukha kasi kayong lampa't walang ibabatbat. Hindi pa naman ito ang huling beses na maghaharap-harap tayo." Hindi ko mapigilang hindi mainis sa mga walang hiyang lumalabas sa kanyang bibig. "Dude, wag na," rinig kong saway ni Crik. "Pfft. Patawa. Dami mong dinaldal, nabago ba no'n ang katotohanang talunan kayo? At dalawang beses pa. Partida, kung sino ang tumalo sa inyo kahapon ay siya ring bumaon sa inyo ngayon." Pinantayan ni Deimos a

