AMIRA Alas kwatro na ng hapon at kakain pa lang kami ngayon nitong ipis na ito. Hindi na niya ako pinaalis sa kama dahil hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ito dahil sa kalbaryong sinapit ko mula sa buang na Phobos. "You okay?" walang modong tanong nito. Nang-iinsulto ba siya? Pagkatapos niya akong pagurin ng dalawang oras, tatanungin niya ako kung okay lang ako?! "Palit tayo ng katawan nang malaman mo kung ano ang pakiramdam ko. Bwesit ka!" bulyaw ko. "Kung hindi mo kaya, wag ka na lang um-attend mamaya. Ako na lang ang magsasabi kay Deimos," nakangiti nitong ani. Grabe! Kaya niya ako pinagod nang husto para hindi ko maka-partner si Deimos sa party. Grabeng kademonyohan ng utak ni ipis. Bilib na bilib ako, grabe talaga! "Alam mo, kupal ka! Lumaya