Malakas na hiyawan ang pumuno sa malawak na kalangitan. Lahat ay inaabangan at hinahabol ang grupo nina Amira na siyang may hawak ng easter egg. Madulas man ang lupa, hindi ito naging dahilan para sila'y sumuko. Sa tuwing madadapa, gagawin ni Amira ang lahat para mapigilan 'yong mga nagtatangkang habulin si Julius na siyang may bitbit ng itlog. "Sige! Takbo! Hayaan niyo na ako rito!" malakas nitong sigaw, itinataboy ang dalawa niyang kasamahan. Kahit nakahiga siya at puro putik na ang suot na damit, hinila niya at pinatid ang lahat na daraan sa kanya nang sa gayon ay hindi nito mahabol 'yong dalawa. "Sige! Papalag ka? Gugulong tayo rito, sinasabi ko sa iyo!" banta nito sa nahuling nilalang. Nakapulupot ang binti niya sa kanyang biktima, pinipigilan itong makatayo. Dahil sa sakripisyong