AMIRA Tama ba ang naging desisyon ko? Hindi ako mapakali! Ilang oras na akong nakahilata rito sa kama ni Deimos pero hindi pa ako dinadalaw ng antok anong petsa at anong oras na! "Mon cheri, can't sleep?" nag-aalalang tanong ni Deimos. Nasa floor kasi siya doon siya nahiga kaya solo ko 'tong bed niya. Oh, di ba? Napaka-kapal talaga ng face ko! Kung sino pa 'yong nakisingit siya pa 'yong feeling privileged! Hahaha! Ayaw niya raw kasi makagawa ng bagay na pagsisihan niya, kaya nag-insist siya na mahiga na lang sa sahig. "Yah. Siguro iniisip mo ako kaya hindi ako makatulog, hehe!" kapal mukha kong bulalas. Hindi na talaga nahiya, susko! Bakit ako ganito ngayon? Natapalan lang ng harina, naging mapangahas na! "Ganoon ba 'yon? Sorry, nag-aalala pa rin kasi ako sa iyo at saka iniisip ko kun