AIZARINA Lahat nagkakagulo, nalulungkot, nagagalit tungkol sa failed confession ni Deimos kay Amira. I just don't understand them! They're furious right now pero hindi magawang kalabanin si Amira? Ano 'yong? Hanggang dada na lang sila? Weak! "Oh, Heraldo? Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap!" iritable kong tanong habang nakatayo rito sa may kubo medyo malayo nang kaunti sa rest house. "You won't believe about this, Aizarina..." pa suspense nitong bati. Tumaas ang kilay ko dahil naintriga ako sa ngitian na ibinabalandra sa akin ngayon ni Heraldo. "And what is that?" taas noo kong tanong. "Magaling na si Phobos." Tumawa ako sa kanyang tinuran, late ko na na-realize kung ano 'yong content ng kanyang sinabi. "What? Did I heard you right? Si Phobos? Magaling na si Phobos?" hindi m