CHAPTER 1: LAYAS, MALAS

1913 Words
Sa paglipas ng sampung taon, ang tinaguriang pinakadelikadong paaralan sa buong mundo ay nagsilbing tahanan sa mga nilalang na may malubha at kakaibang karamdaman. Sila ay mga biktima ng Vampiro syndrome, isang bagong sakit kung saan ang isang nilalang ay nagkakaroon ng mahahabang pangil, pambihirang lakas, at iba pang mga kapangyarihan. Ang pagkakaroon ng ganitong sakit ay kagagawan ng isa sa mga intelihenteng Doktor na sa kasamaang palad ay namaalam na sa mundo. Sa ngayon, hindi pa rin matukoy ng mga taong nag-aaral at may pinag-aralan sa medisina ang maaaring maging lunas sa pambihirang kalagayan. Ang itinuturing na impyerno, purgatoryo, at kulungan ng mga salot sa lipunan, ay nagsilbi na ngayong lugar para eksperimentuhan ang mga tinaguriang isinumpang nilalang. "Okay, we'll be there soon. Pasensya ka na Finn kung ikaw ang nag-aasikaso ng lahat d'yan sa US, alam mo namang puno rin ang aming kamay dito sa Pilipinas dahil magpapasukan na naman. Wag kang mag-alala, kapag nan'dyan na kami, maaari ka munang magpahinga at bisitahin ang iyong mag-iina," mahinahon at puno ng pagkakasala dahil iniwan nila sa kanilang matalik na kaibigan ang responsibilidad na dapat nilang akuin. "Ano ka ba, Keisha, para rin naman ito sa anak ko, para sa lahat, kaya wala ka dapat alalahanin pa." Hindi madali sa kanilang lahat ang pinagdaraanan na unos. Walang magulang ang nais na makitang nahihirapan ang anak nila dahil sa kanilang naging kasalanan. Ngunit ang lahat ay pawang magsisimula pa lamang, dahil ang tunay na unos ay matiyagang nag-aabang. AMIRA Halos dalawang minuto na akong nakikipagsukatan ng titig sa aking magaling na ama. Nakapameywang pa ito habang unti-unti akong dinudurog ng matatalim nitong mata. Psh, alam ko na kung bakit ganito na naman siya, paniguradong nalaman niya na naman 'yong ginawa ko kanina sa school, and I bet, isisisi niyang lahat sa akin, at isusumbat ang lahat ng kasalanang ginawa ko noon pa man. Ewww, dapat talaga mananahi ang trabaho nito eh, mahilig siyang magkonek-konek ng mga pangyayari kahit hindi naman ito related sa isa't-isa, wala lang mema niya lang para mas lalo akong ipahiya at durugin ang pagkatao ko. Partida, ama ko 'yan ah. "Buti naman at nagawa mong umuwi. Akala ko magtatago ka na naman sa bahay ng mga pariwara mong kaibigan," panimula nito. Okay, here we go, magsisimula na ang SONA ng Presidente ng Pilipinas. Ihahanda ko na ang aking tenga dahil paniguradong kulang ang isang oras para sa kan'ya. "Malamang uuwi ako dahil bahay ko 'to," taas noo kong sagot. Rinig ko 'yong paglagatok ng kan'yang ngipin sa sobrang inis tapos isang lumilipad na sampal ang siyang dumapo sa aking pisngi. "Talagang wala ng natitirang galang d'yan sa katawan mo! May gana ka pang magmataas ah?!" nanggagalaiting bulyaw niya habang tumatalsik ang laway nito. Awww, how sweet of him. Ni hindi man lang niya hinintay na makaupo ako sa sofa, o di naman kaya makapag-palit man lang ng damit bago niya ako sermunan. "Bakit? Hindi ba dapat? Porket anak niyo lang ako, wala na akong karapatan para itaas ang sarili ko kung kinakailangan? Ask your self muna dad kung bakit, besides mali naman 'yong bungad niyo eh," nanggigigil kong asik habang nakadilat ang mga mata. Totoo naman 'di ba? Ikaw ba naman bungaran ng gano'n tapos biglang isisisi sa'yo 'yong sagot mo? Kesyo balagbag, eh balagbag rin naman 'yong pagkakasabi niya, right? "Dad? Amira? What's going on?" takang tanong ni mom habang bumababa ito ng hagdan. Isang masamang titig ang natanggap nito mula sa kan'yang asawa. Tsss, sinasabi ko sa'yo, bakit ka pa ba sumasawsaw eh kahit ikaw wala kang magagawa kapag galit ang tigre. "Amira? What happened to your cheek? Bakit namumula 'yan?" tanong nito na punong-puno ng pag-aalala ang boses. "Why won't you ask your goodas$ husband? Paniguradong alam niya ang sagot," walang respetong tugon ko. Tumaginting ang tenga ni dad no'ng insultuhin ko siya kaya hindi ito nagdalawang isip na lapitan ulit ako para sampalin. Buti na lang kaagad na naiharang ni mom ang kan'yang katawan upang pigilan ito. "Wag kang makisali dito, *****! Kailangang matuto niyang anak mo!" ani 'to, still nanggagalaiti pa rin ang boses nito habang nagsasalita. Wala akong paki at hindi ako nayayanig sa pagan'yan-gan'yan niya. "Bakit ba?" naguguluhang tanong ni mom. "'Yang magaling mong anak, sa kakakunsinto mo, muntik ng makapatay ng tao!" mabilis at nanggigigil na sagot ni dad. Psh, sabi ko nga, alam na niya? Grabe, kanina lang nangyari 'yon, nandito na agad sa bahay. Totoo nga pa lang may pakpak ang chismis, ang bilis ahhh, talo pa ang wifi sa bahay. Hindi ko na hinintay pang sumagot si mom dahil gaya ng sabi ko, wala siyang maiaambag? Wala, dahil isa lamang siyang palamunin kagaya ko sa bahay. "Tapos na ba ang SONA? Una na ako," wala sa modo kong tugon habang isinusukbit ang bag sa aking balikat. Ngunit hindi pa man din ako nakaka-hakbang eh, mabilis na hinablot ni dad ang braso ko, dahilan para mapaatras ako nang wala sa oras. Muntik pa akong mawalan ng balanse, buti na lang nabawi ko kaagad. "Wag kang magtatangkang layasan ako dahil hindi pa tayo tapos mag-usap!", "Okay, fine! Ibigay mo na lahat! Ibuhos mo na, kasi nangangati na ako at kailangan ko ng magbihis," iritable kong sagot. "Aba talagang!" Mabilis nitong hinablot this time ang aking kwelyo pero hinawakan din siya ni mom sa kamay. "Tumigil ka, Dylan! Ano ba! Anak mo 'yan!" saway ni mom. Tiningnan ko lang siya as if hindi ako interesado kung saan man ito tutungo. Kung sasaktan niya ako, edi go! Ibigay niya nang lahat! "Dylan, please! Let go!" pag-uulit ni mom. Nakinig naman sa wakas ang duwag kong ama kaya napasalampak ako sa sofa. "Amira, anak, totoo ba ang sinasabi ng daddy mo?" 'di makapaniwalang tanong ni mommy. Tumango ako sa kan'ya na ikinadismaya niya nang labis. Kitang-kita ko rin ang pagsabunot ni dad sa kaniyang buhok na sa sobrang inis ay itinapon nito ang flower vase sa mesa na nagkakahalaga lang naman ng kalahating milyon. Mahal pa sa buhay mo. "It's just self-defence! Wala naman talaga akong kasalanan in the first place. 'Yong Jackstone na 'yon ang nagsimula. Kong hindi ba naman maliit ang bayag ng kumag na 'yon edi---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang magpakawal ng isang nagbabagang sampal si dad. Dalawa-- Isa na lang at ko-quota ka siya sa akin. "Sisisihin mo pa si Jackstone, eh ikaw nga 'tong wala sa katinuan! Ang sabihin mo, wala ka na talagang magawa sa buhay mo, kaya pati buhay ng ibang tao, papatusin mo," galit na sigaw nito. Tssss, bakit pa ba ako nag e-explain sa matandang 'to? Alam ko namang hindi siya makikinig sa sasabihin ko. Kakasabi ko lang kanina 'di ba? Kahit hindi ko kasalanan, sa akin niya sinisisi. Sino sa amin ngayon ang walang magawa sa buhay? Aber? Napakawalang kwenta. "Honestly, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa'yo. Ibinibigay naman namin ang lahat, pero bakit ganyan pa rin ang ugali mo! Wala kang utang na loob! Pati apelyido ko nadudumihan dahil sa katarantaduhan mo!" dugtong na sermon ni dad. Hindi pa ba siya tapos? May ibibigat pa ba ang mga salitang bibitawan niya? "Tama na, Dylan " saway ni mommy pero dahil nag-uumapaw sa galit si dad, hindi ito nagpatinag. "Gusto mo lahat ng gusto mo nasusunod? Pwes, maghanap ka ngayon ng bahay na matitir'han, ng perang ipapalamon mo sa tiyan mo, pati na ang pantustos sa pag-aaral mo!" talsik-laway na sigaw nito sa maganda kong mukha. Nanatili akong naka-poker face sa harap nina mom and dad. Wala akong galang oo tama ka, pake ko naman sa opinyon mo? "Tapos na ba kayong mag SONA?" malamyang tanong ko. Isang malutong na sampal muli ang dumapo sa mukha ko na nagresulta nang sobrang pamumula nito. Tatlo--- And that's it! I'm done here. Maglalakad na sana ako palapit kay Dad para gantihan ito pero pinigilan ako ni mommy. Binalingan ko siya ng walang-buhay na titig dahilan para yakapin ako nito nang mahigpit. Alam niya kasi na this time hindi ko na papalagpasin 'yong ginawa ni dad at kailangan kong gumanti. "Amira, wag mo nang painitin pa ang ulo ng daddy mo. Tumaas ka na, anak," bulong ni mom. Gaya ng sabi ko, kailangan kong gumanti. Noong napagtanto ni dad na balak ko siyang sampalin dahil iniangat ko ang kamay ko sa ere, ini-ready nito ang kan'yang kamao para hatawin muli ako. "Dylan, please! Tama na!" pagsusumamo ni mom. "Anak, tumaas ka na. Nagmamakaawa ako sa'yo," dugtong nito. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. "Fine! You won this time," bulalas ko tapos padabog na kinuha ang bag at naglakad na paalis. "Napakawalang'ya mo! Wala akong anak na kagaya mo! Lumayas ka dito at wag na wag kang babalik!" sigaw nito. Hindi ako kumibo at padabog na tumaas para kunin ang mga gamit ko. Blah blah blah... Daming satsat, psh... Pagkapasok ko sa room, nagmamadali kong inayos ang mga damit ko't inilagay lahat sa maleta. Isang katok ang pumukaw ng atensyon ko kaya napatigil ako saglit sa'king ginagawa. "Pumunta ka sa lugar na 'to, Amira, tutulungan ka nila. Ito rin, dalhin mo rin 'tong card ko ah. Dadalawin kita do'n kapag may pagkakataon," hingal na sabi ni mommy habang inaabot sa akin ang dalawang atm cards na pagmamay-ari nito. Mabilis kong itinanggi ang kamay ni mommy na nakalahad dahil kahit pagbali-baliktadin man namin ang mundo, pera pa rin 'yon ni dad at ayoko no'n . "Thanks, but no thanks mom. Kaya kong mabuhay mag- isa, excuse me," matamlay kong tugon bago tuluyang tapusin ang ginagawa at maglakad patungo sa pinto. "Amira, just please, pumunta ka sa address na 'to. I'm begging you, kahit ito na lang ang tanggapin mo," pagmamakaawa ni mommy. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko bago ko hablutin ang papel na hawak niya. Wala akong oras para balingan 'yon ng pansin kaya ibinulsa ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad. Pagbaba, kitang- kita ko ang paniningkit ng mga mata ng peste kong ama. "Tingnan lang natin kong makatagal ka," bulong niya, pero sapat na para marinig ko. Binalingan ko rin siya ng isang blangkong ekspresyon. Akala niya ata magmamakaawa ako sa kaniya? Utot niya. "Makikita niyo, makakapagtapos ako ng hindi gumagamit ng pera niyo tsk," I said at the back of my mind bago tuluyang lisanin ang malaking bahay. It's almost 8:00 in the evening, halos mag-iisang oras na rin akong naglalakad sa daan. Sinipat ko ang papel sa aking bulsa para tingnan kong anong nakalagay do'n. #43 Vris St. Quency Subdivision "Malapit lang yo'n dito ahh?" bulong ko sa aking sarili. May 1000 pesos pa naman ako sa wallet ko, kaya naisipan kong mag-abang na lang ng taxi dahil hindi ko na kayang maglakad pa. Hindi ko mabilang kung ilang munto akong nakatayo habang binibilang ang mga pampasaherong taxi na nilalagpasan lang ako bago may huminto. "Sa'n ka po ma'am?" tanong ni manong driver na medyo may edad na. "Quency Subdi. Pakibilisan," pakiusap ko. Pagkapasok ko sa sasakyan, kaagad kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa dahil panay ang vibrate nito. "Hello," walang emosyon na bati ko sa kabilang linya. "Anak, nakalimutan ko pa lang sabihin sa'yo na hintayin mo na lang sa labasan 'yong maghahatid sa'yo sa bahay na tutuluyan mo. Ang sabi kasi sa'kin, delikado raw ang daan diyan dahil madilim at madaming pasikot-sikot. Wag na wag ka rin daw sasakay sa taxi sa mga ganitong oras, dahil may modus ngayon na kumakal---" "Hello? Anak? Amira?" "Anak, nandiyan ka pa ba?" "Amira!" Toot-- Toot-- Toot--
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD