CRIK "Sino ang nagdesisyon on my behalf?! Bakit nakalusot ang mga ito, ha?" nanggagalaiting tanong ni Phobos habang nakakalat sa sahig ang maraming warning letter. Naglakas loob akong magkibit-balikat dahil wala talaga akong alam kung paanong may pirma ni Phobos ang mga iyon. "Don't give me that kind of look, I don't know either," kaswal na buga ni Deimos. Napapikit na lang ako dahil alam kong maiinis si Phobos sa kanyang tinuran. Pero imbes na tumakbo ito't kwelyuhan ang kapatid, nanatili siya sa kanyang pwesto at nilamukos na lang ang mukha. "Ha! Pull this shts out! Cancel all the fights!" utos nito. Kaagad akong umalma dahil hindi niya pwedeng gawin iyon. "Dude, alam mong kapag ginawa mo iyan, mas lalong maraming magagalit kay Amira. Mas lalo lang lalakas ang kutob nila na there's