CHAPTER 2: ABOARD IN HELL, SWEET ANGEL

1309 Words
AMIRA Sigawan ang nagsilbing alarm para tuluyang magising ang aking pagod na katawan. Hindi ko alam kong nasaan ako dahil pagkamulat ko, nakahiga ako sa ibang kama, tapos ibang kwarto 'yong tinutuluyan ko. Dahil sa gulat, mabilis akong lumabas ako sa pinto, ngunit nagimbal ako dahil panibagong kwarto na naman 'yong tumambad sa akin. What the f*ck? Nananaginip ba ako o totoo na ito? Kinurot ko ang aking pisngi at no'ng makadama ako ng sakit, doon ko lang napagtanto na hindi ako jino-joke time ng aking mga mata. Kumpara doon sa nilagian ko, medyo malaki ito. Ngumiwi ako dahil itim na itim ang pader, buti na lang at kulay puti 'yong bed sheet. Doon pa lang, alam ko na na lalaki ang natutulog dito. Humakbang ako para lumabas ngunit mabilis din akong napatigil dahil may napansin akong kakaiba. Kunot noo kong pinagmasdan 'yong bed sheet dahil nanggigitata ito. "What the? Is this blood?" bulong ko. Hinawakan ko pa ito tapos walang ano-anong inamoy. Pasensya na, masyado akong naintriga, ano bang paki niyo? "Ewww, dugo nga," bulalas ko no'ng makumpirma ito. Maingat ko itong inayos dahil baka mahalatang pinakialaman ko, mahirap na. Naglakad na ako palabas ng pinto tapos halos malaglag nang tuluyana ng aking panga sa ganda ng tanawin na nakikita. Naglalakihang chandeliers, at magarang stairway. Sigurado ba talagang hindi ako nananaginip? "Oh my! Finally, you're awake." Taranta akong napalingon habang sapo-sapo ang dibdib. Isang magandang babae na may magandang ngiti ang nakita ng aking mga mata. "He-hello po, kayo po ba yo'ng sinasabi ni Mom?" nag-aalinlangang tanong ko. Nahihiya ko itong nilapitan no'ng tumango ito sa'kin. "By the way I'm Keisha, call me Tita Keish and you are?" tanong niya. "Amira. I'm Amira Bethany Ruiz, ma'am. I mean Tita," mabilis kong tugon. Inilahad nito ang kan'yang kamay na tinanggap ko naman agad kahit wala akong ideya kong anong nasa isip niya ngayon. "I'm so glad that you're okay. Wag kang mag-alala, mababait naman 'yong mga anak ko. Kapag may kailangan ka, wag kang mahihiyang tanungin sila, lalo na si Phobos," ani 'to. Fudge! She's so beautiful! I can't take my eyes off her. Hindi kaya nakakahiya 'yong mukha ko? Dahil talagang nakuha niya ang aking atensyon, hindi ko kaagad nasagot 'yong sinabi niya. At hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na sagutin iyon dahil may biglang sumigaw galing sa baba. "Hon, bilisan mo na! Male-late na tayo!" Sabay naming sinilip ni Tita Keish kung sino 'yong nagmamay-ari no'ng boses and oh my gosh! Isang gwapong nilalang lang naman ang nakita ko. Napaka-gwapo naman ng asawa ni Tita Keisha. Sana all "Ayyy Mira, mauuna na ako ahh. Aalis kasi kami ngayon ng asawa ko. Bale, hihingiin ko na lang ang cellphone number mo para naman kung may tanong ka lalo na sa bago mong school, masasagot kita,"mabait na sabi nito. Tumango na lang ako at kaagad na ibinigay ang number ko. After no'n, dali-daling bumaba si Tita Keish sukbit-sukbit ang color pink na LU bag nito. Saglit muna akong tumunganga dahil hindi pa rin ako nakakabawi sa gulat. Ikaw ba naman makakita ng dalawang anghel pagkagising mo pa lang, ewan ko na lang kung hindi ka himatayin. After ng ilang segundo, naisipan ko na ring bumaba ng hagdan. Pagkababa ko, nadatnan ko naman 'yong dalawang lalaki na kumakaway sa papaalis na kotse. Siguro sila 'yong tinutukoy ni Tita Keish na mga anak. Inilibot ko ang mata ko sa paligid, ang daming picture frames sa mesa, pati na rin sa dingding. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainggit dahil halatang ang saya nila bilang isang pamilya. Ikaw ba naman may magaganda at mababait na magulang, ano pa ang hihilingin mo 'di ba? Natigilan ako sa kakatitig do'n sa mga picture no'ng maramdaman kong may humihila sa pajama ko. "안녕 누나 (Annyeong Noona)," bati no'ng isang cute na batang lalaki. Sa sobrang cute niya, hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi pinisil ang kanyang pisngi at kargahin ito. Though, to be honest I HATE MEN. Pero exempted ang isang cute na ito. "Elijah, go to your room now," malamig na utos no'ng matangkad na lalaki. Siya ata 'yong panganay. Or baka may iba pang anak si Tita Keish? Ah basta, dahil attitude siya, ayaw ko sa kanya. Ibinaba ko na si Elijah, na agad na tumakbo pataas. Kumaway pa ito sa akin at ngumiti bago nawala. Napangisi naman ako sa inasal ng bata. Masaya rin pa lang ngumiti eh. Ngayon ko lang nalaman. "Ma'am nakahanda na po ang pagkain," sabat ni manang, na bigla-bigla na lang kong sumulpot. Tumango lang ako at dali-daling pumunta sa dining table. Hindi ko man lang pinansin 'yong kapatid ni Elijah na mukha namang walang pake sa akin. Mabuti na 'yon, he seems to hate me so the feeling is mutual. Pero maiba, grabe! Gusto ko lang sabihin na super haba ng lamesa nila! Ilan ba sila sa pamilya? Apat lang naman sila base do'n sa mga picture na nakadikit sa dingding kaya para saan ang pagkakaroon ng ganito? Teka, kailan pa ako naging pakialamera? Tss... Natigilan ako sa kakausap ko sa aking sarili dahil hinain na ni manag 'yong mga pagkain sa lamesa. Nagdiwang kaagad ang mga bulate sa tiyan ko't hindi naitago ang pagkatakam. "Thank you for the food," bulong ko bago simulan ang paglafang. Habang mabilis na isinusubo ang pagkain, biglang sumagi sa isip ko 'yong sinabi ni Tita Keish, kanina. Nga pala, naalala kong sa SAA na ako papasok simula bukas. Paano 'yon? Hindi pa ako nakakapag-enroll. Hmmm? Sino naman kaya ang istorbo? Napatigil ako sa pagkain at dali-daling binuksan ang aking cellphone. From: 09836292741 Mira, pumunta ka pala ngayon sa St. Augustus Academy. Don't worry, naibilin na kita do'n. Sumama ka na rin kina Phobos na mamili ng mga gagamitin. Pagkabasa ko no'n, hindi ko mapigilang hindi mahiya dahil sa kabutihan ni Tita keisha.Nakikitira na nga lang ako sa bahay nila, bonus na 'yong pagkain tapos ngayon naman pati gamit na gagamitin ko sa pag-aaral, kakarguhin pa? Jusko! Hindi na kakayanin ng hiya ko, kaya sa lalong madaling panahon kailangan kong maghanap ng trabaho para may maiambag man lang ako kahit papaano. Balita ko pa naman, elite 'yong school na lilipatan ko base sa kwento ni mom. Syempre, ayaw ko namang pati pang araw-araw na baon eh iaasa pa kina Tita Keish. "Elijah, bilisan mo na." Natigilan ako sa kakaisip no'ng maagaw ng atensyon ko 'yong lalaki kanina. Pormadong-pormado. Ang angas ng dating, 'di halatang spoiled mama's boy. Teka, aalis na ba sila? Mag papa-enroll na kaya? Dali-dali kong inubos ang kinakain ko at lumapit do'n sa lalaki. Aish, ang pride ko mababawasan na naman, tsk tsk! "Sa'n kayo pupunta?" mahinang tanong ko, since I don't know him. Siya ata si Phobos psh, weird ng name niya, sa pagkakaalam ko moon yo'n ng mars eh. Medyo tumaas na 'yong dugo ko dahil hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. Ano 'yon? Hindi niya ba ako nakikita? Hindi niya ba narinig 'yong sinabi ko? Tang*na, ah! Naghintay ako ng ilan pang segundo pero nga-nga! Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. "누나(Noona), hindi ka pa po nagbibihis? E-enroll po tayo," sabi ni Elijah na kakababa pa lang. Woah, super cute! Buti na lang hindi nagmana itong si Elijah sa Kuya niyang ang sarap sampigain at itapon sa Pasig river! Umupo ako para pantayan si Elijah tapos hinawakan ang dalawa nitong balikat. "Hintayin niyo ko ah, maliligo lang ako saglit," bilin ko. Siya na lang ang kakausapin ko since hindi naman ako pinapansin ng Kuya niyang saksakan ng hangin. Bago ako umalis, pinisil ko muna ang pisngi nito. "I'll give you 20 minutes. You better hurry 'coz your time starts now," malakas pero walang buhay na sigaw no'ng kumag. Napairap na lang ako dahil hanep, 20 minutes? Eh, hindi pa ako tapos magkuskos niyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD