AMIRA Maagang natapos ang klase dahil may date raw 'yong Teacher namin. Charot, nagkaroon ng panic attack dahil sa mga pasaway kong kaklase. Nag-half day lang kasi sina Phobos kaya ayun, libre maghasik ng lagim 'tong mga may saltik. "Amira let's go!" aya ni Hayashi dahil makikipagchismisan na ako sa kanya. Nagpatianod ako sa hila nito at mabilis na lumabas sa room. Maaliwalas ang panahon at kahit alas tres na ng hapon, tirik pa ring nakaistambay si Haring araw. Habang binabagtas namin ang tuyong lupa, sinalubong kami ng maligamgam na hangin. Sa mga sandaling mahigpit na hawak ni Hayashi ang aking braso, napagtanto ko na buhay ako, buhay pa ako. Sumagi sa isip ko lahat ng paghihirap na dinanas ko sa mga sikat na paaralang sa una lang ako kinupkop. Dahil maraming inggit at hindi maatim