bc

Secret of Maddison (TAGALOG)

book_age18+
2.0K
FOLLOW
9.0K
READ
kickass heroine
brave
student
twisted
bxg
female lead
campus
city
secrets
school
like
intro-logo
Blurb

Istoryang puno ng Aksyon, Misteryo at Pagtataksil.

Mga sikretong pilit na itinatago, kailan kaya mabubunyag?

Hanggang kailan ka makakatago sa kanila?

***

Simula no'ng pumunta sa bahay nila Altheya ang limang hindi kilalang lalaki at ang kaniyang Tita Millian ay hindi na niya muling nakita pa ang kaniyang ama na walang ibang ginawa kung hindi ang maglasing at abusuhin siya.

Kinupkop siya ng kaniyang tiyahin at isinama papunta sa pag-aari nitong isla na ang ngalan ay Phanorage.

Lingid sa kaalaman ni Altheya na ang lugar na kanilang pupuntahan ay kuta ng mga masasamang tao na kumukuha ng mga ulilang bata mula walo hanggang sampung taong gulang upang i-ensaho sa pakikipaglaban — partikular sa pagiging Assassin hanggang sa sila ay maging ganap na Assassin at isabak sa mga misyon.

Ano na lamang ang magiging reaksyon ni Altheya kapag nalaman niya ang sikretong itinatago ng Phanorage?

Bakit siya kinupkop ng kaniyang tiyahin? Dahil ba ulila na siya o may iba pang dahilan?

Alamin at basahin ang susunod na mga pangyayari sa Dreame at Yugto app.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
[ALTHEYA] "UMALIS ka na rito, Altheya!" malakas na sigaw ni Lennox ang nagpa-ingay sa matahimik at madilim na isla habang tinutulak ang bangkang sinasakyan ko papunta sa malalim na parte ng dagat. Umiiyak na umiling ako. Mahigpit na hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa gilid ng bangka. "K-Kailangan mong sumama sa akin, Nox! P-Please, ayaw kong umalis nang hindi ka kasama!" pagmamakaawa ko sa kaniya. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan, hindi ako papayag na ako lang ang makakatakas sa impyernong ito. Umiling siya at saka tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakapatong sa kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing umabot na sa dibdib ni Nox ang tubig sa dagat dahil nasa malalim na parte na kami. "P-Please, Nox..." Umiiyak na ngumiti siya habang nakatingin sa akin. "You deserve a better and peaceful life, not this dangerous and bloody life, Theya," wika niya at pwersahang tinulak ang bangka palayo sa kaniya. "Nox! Nangako kang sasama ka sa akin! Tayong dalawa ang nagplano nito, bakit ngayon ka pa hindi tutupad!" sigaw ko at saka hinawakan ang sagwan. "I'm sorry..." Buong lakas akong nagsagwan patungo sa direksyon ni Lennox na kasalukuyang naglalakad paalis para umahon pero masyadong bayolente ang dagat, malakas ang hangin at madilim ang kapaligiran dahil sa paparating na bagyo. Ayaw ko mang umalis sa puwesto ko ay hindi ko magawa, patuloy lamang dinadala ng alon ang sakay kong bangka patungo sa malalim na parte ng dagat. Bigla akong napalingon sa kanang bahagi ng dalampasigan nang makarinig ako ng malakas na pagpreno ng mga sasakyan na nakasunod sa amin. Sunod-sunod na nagsibabaan sa kani-kanilang sasakyan ang mga tauhan ni Ms. Cambell at saka papunta sa direksyon ni Lennox. Nakataas ang kaniyang dalawang kamay sa ere na nagpapahiwatig ng kaniyang pagsuko. "Lennox!" sigaw ko sa pagitan ng aking pagiyak. Malayo na ako sa lugar pero kitang-kita ko pa rin ang dahang-dahang paglingon sa akin ni Lennox. "Survive, Theya," bulong niya at saka tinalikuran ako. Nakita ko ang marahas na paghila sa kaniya ng armadong lalaki papunta sa ginang na may hawak na tabacco. Napaigtad ako nang makita ang paglingon sa akin ni Ms. Cambell. Ngumiti ito at saka itinaas ang hawak na baril at itinutok iyon kay Lennox na nakaluhod sa harapan niya. 'A-Anong gagawin niya? B-bakit may hawak siyang b-baril?' Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang tatlong sunod-sunod na putok ng baril at kasabay noon ang pagtumba ni Lennox sa buhanginan. “No!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.8K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.0K
bc

Dangerous Spy

read
299.2K
bc

EASY MONEY

read
174.5K
bc

YOU'RE MINE

read
894.1K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook