Point of view - Emma Addison - Sa buhay mag-asawa, hindi nagwawakas ang lahat sa salitang, I do, o 'di kaya'y sa pag-iisang dibdib ng magsing-irog, bagkus, ito ay simula pa lang ng bagong pahina sa iyong buhay, isang bagong akda na magsisimula sa paggawa ng isang pamilya. Sa pagdating ng iyong supling, masusukat kung gaano katatag ang iyong pasensya, katawan, at isipan. Dito mo mapagtatanto ang mga bagay na noon ay malaya mong nagagawa ngunit hindi mo na magawa sa kaalukuyan. Dito masusubukan ang tatag ng isang pagmamahalan, ang totoong ibig sabihin ng salitang kasal. Hanggang sa paglipas ng panahon, hindi mo mamamalayan na ang mga taong nasa iyong paligid ay isa-isa nang namamaalam. Mga taong mahal mo, mga taong malapit sa'yo. Mararanasan mo ang unti-unting pagtanda ng mga batang dati
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books