THIRTY-ONE YEARS AGO
"Ooohh!"
Mas lalo pang napalakas ang mga ungol ko habang sumasabay din ang ingay nang bawat pagsalpok ng aming mga hita sa isa't isa at bawat pagbaon ng pagkalalaki niya sa loob ko.
"D-David," ungol ko sa pangalan niya ngunit kanina ko pa pinagtatakhan ang pagiging tahimik niya kahit nakikita ko naman sa mukha niya ang walang kapantay na sarap.
Nagpatuloy siya sa pag-ulos sa loob ko hanggang sa papabilis na ito nang papabalis.
Napayakap na ako sa kanya ng mahigpit at hinalikan siya sa kanyang mga labi. Labis naman akong natuwa nang tumugon siya sa akin.
Pumasok ang dila niya sa loob ng bibig ko at sinipsip ang dila ko. Mas lalo naman akong nabuhayan at nadarang sa ginawa niya.
Ramdam ko na ang papalapit kong pagsabog.
"Aaah! David, I love you. I love you," paulit-ulit kong bulong sa kanya hanggang sa marating ko na ang pagsabog ko.
Nangunyapit ako ng mahigpit sa mga braso niya habang patuloy na tinatanggap ang mabibilis at malalakas niyang mga pagbaon sa akin.
"Oh, fuck!" napamura na rin siya.
Hindi rin nagtagal ay nanginig siya sa ibabaw ko kasabay nang paghigpit nang pagkakayakap niya sa akin.
Pareho kaming hiningal at latang-lata. Hindi ako nakakilos sa kinahihigaan ko.
Yumakap akong muli sa kanya at dinama ang init ng hubad naming mga katawan. Ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng aming mga dibdib na tila nagsasagutan sa isa't isa.
"I love you, David," muli kong bulong sa kanya bago ko ipinikit ang aking mga mata.
Lumipas ang ilang sandali ngunit wala pa rin akong natanggap na sagot mula sa kanya.
Kumalas siya sa akin kasabay nang paghugot niya nang nanlalambot na niyang pagkalalaki mula sa loob. Napatitig ako sa kanya at nginitian siya kahit pinagtatakhan ko na ang mga ikinikilos niya.
"M-May problema ba?" mahina kong tanong sa kanya.
"Nothing," malamig niyang sagot na ikinakunot ng noo ko.
Tuluyan na siyang bumangon at hinagip ang boxer at pantalon niya mula sa sahig. Tahimik niya ang mga itong isinuot, maging ang polo uniform niya.
Wala akong nagawa kundi ang bumangon na rin at kinuha ang mga uniform ko na nagkalat din sa sahig.
"Here. Take this."
Napalingon ako sa kanya at nabungaran ko sa harapan ko ang ilang bungkos ng pera na iniaabot niya sa akin. Napahinto ako at napatitig doon.
Kaagad din akong napatingala sa kanya.
"P-Para saan 'yan?" May munting kaba na bigla na lang bumangon sa dibdib ko.
"I'll be gone for a week. Isasama ako ni Dad sa business trip sa US."
"H-Ha? P-Paano ang pag-aaral mo?"
"Hahabol na lang ako. One week lang naman 'yon. Babalik din ako."
"H-Hindi ko naman kailangan 'to. May pera naman ako."
"Kunin mo na. Huwag nang maarte."
Natigilan akong bigla sa sinabi niyang 'yon at muling napatitig sa kanya.
Ngayon ko lang narinig na pinagsalitaan niya ako ng gano'n sa loob ng tatlong buwan niyang panliligaw sa akin at mahigit isang buwan pa lamang namin na relasyon.
Ibinaba na lang niya sa kama sa harapan ko ang pera bago siya muling tumalikod at ipinagpatuloy ang pagsusuot ng polo niya.
Namigat ang dibdib ko at may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maintindihan. Ayaw ko sanang tanggapin ang pera na ibinibigay niya ngunit pakiramdam ko ay magagalit siya sa akin kapag hindi ko 'yon ginawa.
"Di ka pa ba kikilos?"
Muli akong napatingala sa kanya sa sinabi niyang 'yon.
Kakaiba talaga siya ngayon. Parang biglang nawala ang lambing niya sa akin.
Tahimik na lamang akong kumilos at nagbihis ng mga uniform ko. Muli kong isinuot ang medyas at sapatos ko. Nagsuklay lang ako nang mabilis at naglagay ng pulbos sa mukha.
Matapos ay inilagay ko sa loob ng bag ko ang bungkos ng pera kahit napakalabag niyon sa loob ko.
Nauna pa siyang lumabas ng pinto ng room ng hotel na pinasukan namin ngayon.
Medyo malapit lang ito sa University na pinapasukan namin at ganito palagi ang ginagawa namin sa tuwing breaktime namin. Hinihila niya ako palagi sa hotel na ito isang linggo simula noong sagutin ko siya hanggang ngayon na isang buwan na kami.
Kanina ko pa rin hinihintay na batiin niya ako dahil monthsary namin ngayon ngunit mukhang nakalimutan na niya. Kahit pag-I love you na lang niya sana sa akin ay okay na para sa akin.
Ngunit nanatili lang siyang tahimik hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng hotel.
Hindi na rin niya ako pinagbuksan pa ng pinto ng kotse niya kaya ginawa ko na lang ito nang mag-isa. Halos sabay lang kaming naupo sa loob. Siya ang nasa driver's seat.
"D-David, may problema ka ba? P'wede mong sabihin sa akin," aniko sa kanya habang binubuhay na niya ang makina ng kotse niya.
"Wala," malamig niya namang sagot bago niya pinaharurot ng mabilis ang kotse niya. Ni hindi man lang niya ako nilingon.
Kaagad kong hinila ang seatbelt at isinuot sa katawan ko dahil pakiramdam ko ay masusubsob ako sa unahan kapag bigla siyang nagpreno dahil sa bilis nang pagpapatakbo niya.
Hindi ko na lang siya tinanong ulit ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang panaka-naka kong paglingon at pagsulyap sa kanya. Ngayon lang siya nagkaganito sa loob ng ilang buwan naming pagsasama, simula noong ligawan niya ako.
Matagal ko na siyang crush. Actually, napakarami naming nahuhumaling sa kanya dahil sa angat sa lahat ang kaguwapuhan niya, nila ng mga kapatid niya sa buong unibersidad na ito. Ngunit sa kanya mahigpit na tumibok ang puso ko.
Nagsimula ito noong highschool pa lamang kami. Pinilit ko talaga si Papa na makapag-aral din ako sa school kung saan nag-aaral ang mga Delavega para palagi ko siyang makita kahit alam kong mahihirapan sila Papa at Mama sa mahal ng tuition fee sa mga school nila.
Pinagbubuti ko na lang ang pag-aaral ko para makabawi ako sa kanila.
At sa pagtuntong namin ng college ay sinundan ko pa rin siya. Siguro nga ay nahahalata na niya iyon at ng mga barkada niya, maging ng mga kapatid niya. Dahil kung minsan na dumadaan ako sa harapan nila ay naririnig ko ang pagsisipulan nila at pag-aasaran.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko rin ang ginagawa nilang pagtulak kay David palapit sa akin.
At isang araw sa pagtuntong namin ng second year ay bigla na lamang siyang nanligaw sa akin.
Nagulat ako at hindi makapaniwala. Ngunit kahit gano'n ka-patay ang puso ko sa kanya ay hindi pa rin ako nagpadalos-dalos sa mga desisyon ko. Naging magkaibigan kami sa una hanggang sa namalayan ko na lamang na nililigawan na pala niya ako.
Tatlong buwan bago ko siya sinagot dahil masyado na rin siyang nagmamarahipit noon, na parang naiinis na siya dahil ang tagal na raw niyang nanliligaw sa akin. Sinagot ko siya dahil siguro ay sapat naman na ang mahabang buwan na iyon.
Naging dedicated naman siya sa akin sa loob ng isang buwan.
Ngunit ngayon... biglang may nag-iba.
Paghinto ng sasakyan sa parking lot ng University ay kaagad ko nang tinanggal ang seatbelt ko at sinabayan ko na ang paglabas niya ng kotse. Siguro ay wala na din naman siyang planong pagbuksan pa ako ng pinto na palagi niya namang ginagawa para sa akin.
"Mauna ka na. May dadaanan pa ako," malamig pa rin niyang sabi sa akin.
Mas nadagdagan pa ngayon ang pagtataka ko dahil hindi niya naman ako hinahayaang mag-isa patungo sa klase ko.
"S-Sige."
Gusto ko nang maiyak dahil mukhang nakalimutan na nga talaga niya ang monthsary namin.
Hindi na siya sumagot pa at nagtuloy-tuloy na siyang maglakad patungo sa kaliwang bahagi kung saan may mga bench at naroroon ang mga barkada niyang ngayon ay nakatanaw sa kinaroroonan namin.
Napahabol na lang ako ng tingin sa kanya.
Pagdating niya sa grupo ay nakipag-apir siya sa mga ito at doon ko nakita ang mga ngiti niya.
Nang lilingon siya sa kinaroroonan ko ay kaagad kong binawi ang tingin ko at nagpatuloy na ako sa mabilis kong paglalakad patungo naman sa kanang bahagi.
Pinanlamigan akong bigla kasabay nang pagbagsak ng mga luha ko sa pisngi.
Malakas ang kutob ko, mayroong hindi magandang nangyayari.
KASALUKUYAN
Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin.
"Happy birthday, Tart!"
Bigla akong napalingon sa tabi ko at napangiti nang bumungad sa harapan ko ang anak kong si Devin, na napakaguwapo sa pagkakangiti niya. Mahigpit niya akong ngayong yakap.
"My gift for you."
Bumaling naman ako sa harapan ko at bumungad sa akin ang hawak niyang maliit ngunit pahabang box na sa tingin ko ay alam ko na ang nilalaman.
"Necklace?" patanong kong sagot sa kanya.
Kaagad naman siyang bumusangot.
"Huwag mo namang hulaan agad." Kumamot siyang bigla sa ulo niya.
"Obvious naman, baby," natatawa ko namang sagot sa kanya bago ko ito tinanggap at sinimulan nang buksan.
"Wala na tuloy thrill."
Muli akong natawa sa sinabi niya.
Bumungad nga sa harapan ko ang isang gold necklace with infinity pendant. Kaagad na humaplos ang init sa puso ko at nakangiti akong bumaling muli sa anak ko.
"Why infinity?"
"Everlasting love?" nakangiti niya ring sagot sa akin.
"Aaah." Mas lalo pa akong naluha sa sagot niyang 'yon. "Thank you so much, baby."
Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit at gano'n din siya sa akin. Masuyo niya rin akong hinagkan sa noo.
Nag-uumapaw ang kaligayahan sa puso ko dahil hanggang ngayon kahit nasa edad thirty na ang mga anak ko ay hindi pa rin nila ako iniiwan.
Hindi pa rin nila naiisipan ang mag-asawa kahit itinataboy ko na sila.
"Oh, come on, sweetheart! Walang patay para umiyak! Today is your 18th birthday. We should celebrate!" bulalas niya sa akin na siyang ikinatawa ko namang muli.
Kumalas kami sa isa't isa at mabilis kong pinunasan ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
"18 na naman ako. Wala na yata akong pagtanda."
"Hindi ka tatanda basta kami ni Derrek ang kasama mo."
Muli akong natawa sa kapilyuhan niya.
Forty-seven years old na ako ngayon pero sa tuwing birthday ko ay eighteen ang ibinabati nila sa akin. Nasanay rin silang sweetheart ang itinatawag sa akin instead nanay or mama. Para daw hindi ako tumanda. Hindi rin daw naman halata sa akin dahil baby face daw ako.
Oh, baka naman binobola lang nila ako. Habit naman nila ang mambola.
Binibigyan din nila ako palagi ng mga pampaganda ko at food supplies para sa healthy diet ko.
Isinasama din nila ako palagi sa mga activities nila katulad nang pagja-jogging sa umaga, pagbibisikleta, paggi-gym, paglalaro at kung ano-ano pa para daw ma-maintain ko ang pagiging healthy ko at hindi ako maging sakitin.
Kaya naman sa edad kong ito ay malakas pa rin ako at mukha nga naman talagang bata pa. Wala naman akong gaano pang wrinkles. Nami-maintain ko rin ang slim body ko dahil na rin sa mabusisi nilang pag-aalaga sa akin.
Marami sa mga nakakakilala sa amin ang binibigyan kami ng issue, pati na rin ang mga bagong nakakasalamuha namin at mga nakakakita sa amin. Lalo na sa tuwing kasama ko silang dalawa sa labas.
Nasanay na akong makarinig mula sa kanila ng family affair, family stroke at kung ano-ano pa. Hindi rin 'yon lingid sa kambal kong anak pero hindi na lang nila pinapatulan pa ang mga ito dahil ang importante ay ang totoong pagsasama naming mag-iina sa iisang bubong at namumuhay kaming may dangal sa puso at isipan namin.
"Nasaan nga pala ang kambal mo?" tanong ko kay Devin na ngayon ay isinusuot na niya sa leeg ko ang gift niyang necklace para sa akin.
"Preparing breakfast. By the way, how was your first day of work yesterday? Sinabi naman na namin sa iyo, na hindi mo na kailangan pang magtrabaho. Mapapagod ka lang."
"Ilang hours lang naman 'yon, baby, at saka nag-i-enjoy naman ako. Nakakatuwa na nakakalungkot ang naging buhay ng estudyante ko ngayon. So innocent. She grew up in the middle of the forest, far from civilization, far from many people. No social life."
"Ows? Meron pa ba no'n ngayon?" Nangunot ang noo niya habang nakatitig sa akin sa harap ng salamin.
"Yeah, kaya gusto ko siyang turuan. 'Yong mga gano'ng klase ng tao ang mga gusto kong turuan."
"Hindi ka ba mahihirapan sa kanya?"
"No. She's very nice."
"What's her name?"
"Jheimwel Rain Rivera."
"Who's your employer again?"
Bigla akong napahinto sa tanong niyang 'yon.
Lihim akong napalunok at napaiwas ng tingin sa kanya.
"D-Darren... Darren Delavega."
Pakiramdam ko ay biglang may tensiyong pumagitna sa aming dalawa.
Naramdaman ko ang pagtalim nang pagkakatitig niya sa akin kaya't napayuko ako at napahinga ng malalim.