Chapter 37 3rd Person's POV; "What is it Kirby? " tanong ni Wise ng hilahin ni Kirby ang suot niyang uniform matapos nito makita ang binata na tumakbo. "Anong nangyayari? " nakakunot ang noong tanong ni Kirby matapos makita ang tyura ng binata. Gulo-gulo ang buhok nito at pawisan. "Hehe hinanap ko si Kreos, " sagot ni Wise ng medyo makapagpahinga na siya at nawala si Kreos sa likuran niya. "Bakit? " kunot ang noo na tanong ni Kirby. Magsasalita si Wise ng dumating ang mga barkada ni Kirby. "Kirby! Nasa taas na si prof! " sigaw ng mga tropa nito hindi kalayuan sa pwesto nila. "Sige na Kirby! Mauuna na ako baka magsimula na din next subject namin," ani ni Wise bago kumaway sa lalaki at tumakbo palayo. "May maalala ka 'man o wala si Sebastian pa din ang inaalala mo, " walang emosyon