Chapter 36 3rd Person's POV Anong nangyayari kay Percyrus at Gemma?" tanong ni Percimon matapos makita na nagpa-panic na si Samantha at GN hindi nila mapatahan ang dalawang bata. "Hindi ko alam. Bigla na lang sila umiyak," ani ni Samantha. Kasalukuyang nasa living room ang lahat. Nasa carpet ang batang si Ran katabi ang dalawa pa na bata sina Percian at Ginger na tahimik lang na nakahiga. Maya-maya humikbi na din si Ginger kaya agad ito nilaro ni Percimon. "Anomg nangyari?" tanong ni Garan matapos marinig ang iyak ng mga anak. Tinanggal ni Garana ng suot na earphone at lumapit kina Samantha. "Bigla na lang sila umiyak. Katatapos lang naman nila kumain, malinis din ang diaper nila." Binuhat ni Garan si Gemma. Mas nagwala pa ito at sa sobra nitong lakas umiyak napangiwi na lang